CHAPTER 10: FIRE AND RESCUE

59 3 1
                                    

KAI POV

("Saan ka na? ") bungad sa akin ni MM ng sagutin ko ang tawag nito.

"Bakit? "

("Ano? Nakausap mo na ba si Tito Melvin? Nahanap na ba daw si Pyro? ")

"Papasok pa lang ako ng Santelmo Building? Pwede ba relax ka lang? "

("Relax naman ako ah? ")

"Relax ka pa pala ng lagay na iyan? Eh kanina ka pa tumatawag at nangungulit sa akin? At yung tawag mo eh halos 5 minutes lang ang pagitan? "

("Hah? Sorry naman? Nag-aalala lang talaga ako? Baka kasi napaano na si Pyr----- Ang kumag na iyon? ")

"Ganyan din naman ang nararamdaman ko. Lahat tayo ay umaasa at nagdarasal na wala sanang nangyaring masama sa kanya. "

("O siya, tatawag na lang ulit ako. ")

"Oy wag na, ako na lang ang tatawag sa'yo kapag may balita na sa kanya, okay? "

("Huh? Hmmm..... Sige na nga? Basta tawagan mo agad ako ha? ")

"Oo na, oo na. Bye. "









Matapos nun ay agad na akong pumasok sa loob ng Santelmo at dumiretso sa opisina ng Tito ni Pyro.

Kilala naman ako ng mga tao dun kaya hindi na ako nahirapan sa Security nila.









Nang makarating sa office ni Tito Melvin ay hindi muna ako pumasok kahit na bukas naman ito.

Nakita ko kasi na may mga kausap itong pulis kaya inantay ko muna silang matapos.









"Gawan niyo ng paraan kung paano mahahanap si Pyro?! Magbabayad ako ng malaking halaga sa kahit sino basta maituro lang ang kinaroroonan ng aking pamangkin?! And i want him safe and alive?! "

"Sige po, kami na po ang bahala. Mauna na po kami. "

"Okay. "









Nang makaalis ang mga pulis ay saka ako pumasok.

Nakita ko naman na dismayadong napaupo at napayuko si Tito.









Nag-angat lang ito ng mukha ng tawagin ko siya.

"Oh ikaw pala Kai, have a seat. "

"May balita na po ba kay Pyro? " tanong ko agad rito ng ako'y makaupo.









Bumakas ang lungkot sa mukha nito.

"Yun na nga ang ikinaiinis ko sa mga pulis. Halos 36 hours na ang lumilipas ngunit wala pa rin silang lead kung nasaan si Pyro? Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na.....









.....na wala na ang pamangkin ko. "

"Wag po tayong mawalan ng pag-asa Tito. Ramdam ko po na buhay pa si Pyro, kilala ko yun. Alam ko na gagawa at gagawa siya ng paraan para mabuhay. Hambog yun eh? "









Napangiti ko naman si Tito kahit konti. Ayoko rin kasi na mawalan siya ng pag-asa para sa kanyang pamangkin.

"Mahahanap natin siya, manalig lang tayo. "

"Sana nga Kai, sana nga. "









Sa gitna ng pag-uusap namin ay biglang tumunog ang phone nito, may tumatawag sa kanya.









MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon