CHAPTER 13: SECOND DEGREE BURN

52 4 0
                                    

PYRO POV

UMAGA..... 4:00 AM.....

Madilim pa ang paligid ng umalis kami ng bahay. Isinama kasi ako nung dalawang matanda para magtinda sa palengke.









Nakasakay si Lolo sa kalabaw habang kami naman ni Lola ay nakaupo dun sa karitelang hila-hila nito kasama ang mga prutas at gulay na nandun sa kaing.









Mahigit isang kilometro yata yung nilakbay namin bago kami nakarating sa isang patag ngunit hindi sementadong kalsada.

Tapos eh kalahating oras pa ang ginugol namin bago kami nakarating sa palengke.

Medyo maliwanag na nga ng makarating kami doon.









Sabi ni Lolo eh sakto lang daw ang dating namin dahil marami ng mamimili ng mga oras na 'yon.

Pumuwesto naman kami malapit sa bilihan ng isda.









Bago kami umalis kanina sa bahay ay nanghiram ako kay Lolo ng sumbrelo.

Gusto ko muna kasing itago ang aking mukha. Mahirap na, baka makita pa ako nung mga taong gustong pumatay sa akin. Maigi na yung sigurado.

Ang pagkakatiwalaan ko muna sa ngayon ay itong dalawang matanda.









Pinahiram naman ako ni Lolo ng isang itim na sumbrelo.

Sabi niya ay sa anak pa daw niya ang sumbrelong iyon kaya ingatan ko daw.









Habang nag-aantay kami ng mga mamimili ay may matandang babae ang lumapit kay Lola.

"Aba naman mare? Ang gwapo naman niyang kasama mo? Yan na ba ang pinagpalit mo kay Gorgonio? "

"Sira-ulo ka talaga Pobya, bisita lang namin ito. "

"Ay ganun ba? Hahaha..... Ano namang pangalan mo iho? "

"Ah ano po..... "

"Pietro. " biglang sabi ni Lola.









Nagkatinginan naman kaming dalawa.

"Pietro ang pangalan niya. "

"Pietro? Aba'y kapangalan pa ng anak mo ah. "

"Hay oo na, oo na. Pwede ba, dun ka na nga sa pwesto mo at baka malasin pa kami. Wala pa nga kaming buena mano eh tsismis agad ang binubungad mo sa amin dito? "

"Hahaha..... Wala ka talagang pinagbago. Laging mainitin ang ulo. O siya, maiwan ko muna kayo. Mamaya na lang ulit. "









Pagkasabi niya nun ay umalis na ito at bumalik sa kanyang pwesto.









Ako naman ang binalingan ni Lola.

"Pasensya ka na kung ibang pangalan ang sinabi ko. Alam ko kasi na may pinagtataguan ka. Ayoko rin na mapahamak ka dahil ramdam ko na mabuti kang tao. "









Aba? Himala? Ngayon ko lang yata nakita na kalmado itong si Lola.

"Hayaan mo at kapag naibenta natin itong mga paninda natin ay pahihiramin ka namin ng pera para makauwi ka na sa inyo. "

"Sa-salamat po. "

Tumango lang siya sa akin at nag-ayos na ng mga gulay.









Lumipas ang minuto at oras ay konti pa lang ang benta namin. Wala pa nga yata sa 100 piso eh?

Paisa-isa kasi ang bumibili sa amin. Idagdag mo pa na marami rin ang nagtitinda ng gulay sa tabi namin.

MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon