CHAPTER 23: FIRE & RESCUE SQUAD

42 1 0
                                    

PYRO POV

Langya, kahit anong gawin kong lipad at iwas ay talagang nakasunod pa rin sa akin yung dalawang missile.









Hindi ko naman siya pwedeng saluhin at hindi ko alam kung madidisgrasya ba ako o hindi.

Yung pa nga lang sa bala ay nagkakaroon na ako ng maliliit na pasa eh pa'no pa kaya kung missile ang tatama sa akin.









Ipatama ko kaya sa kahit anong bagay?

Hindi pala pwede, baka may madamay? Lumilipad pa naman ako sa bayan.








Ipatama ko kaya sa bundok?

Hindi rin pwede, baka masira ang kalikasan at may mga hayop na mamatay. Konsensya ko pa. Tsk.








Anong gagawin ko??









("Hello..... Bro..... ")









Maya-maya ay biglang may tumawag sa akin sa pamamagitan nung bluetooth airpods.

"Kai?? "

("Buhay ka pa ba, Bro? ")

"Hindi pa naman? Talagang ngayon mo pa  naisipang kamustahin ako? "

("Makinig ka, alam na namin kung saan nagmula ang missile at di ka maniniwala. ")

"Saan? "

("Baka mabigla ka? ")

"Sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon? May kailangan pa ba akong ikabigla? Sige na, sabihin mo at susugurin ko sila doon. Dun ko na rin papasabugin ang mga missile na----- "

("Sa Santelmo Building. ")

"WHAT?! "

("Oh? Akala ko di ka mabibigla? ")

"Sigurado ka, Bro?? "

("Oo, 100%. Sa may rooftop ng Santelmo galing yung missile. .")

"Kung doon nagmula ang missile? Hindi kaya..... "

("Yun din nga ang iniisip namin eh. Baka nandun din si MM at Tito Melvin?! ")

"Sh*t?? " sabi ko ng may maalala ako.

("Bakit? ")

"Kanina nung lumilipad ako ay may napansin akong helicopter sa may rooftop ng Santelmo. Hindi ko alam kung kanino yun. "

("Talaga? Eh teka nga pala, nasaan ka na ba? ")

"Nasa ikalimang bayan na ako? "

("WHAT?! ")

"Pwede ba?? Wag ka ring mabigla?? "

("Hindi mo pa rin ba napapasabog yang missile?? ")

"Negative. Naghahanap pa ako ng pwedeng pagsabugan nito na walang inosenteng madadamay? "

("Tirahin mo na lang kaya? ")

"Hindi rin pwede? Hindi ko alam kung ano ang magiging impact ng pagsabog. Baka kung mapaano ako? "

("Eh di ba hindi ka tinatablan ng bala? ")

"Kai?? Bala yon?? Bala?? Iba 'to, MISSILE ito?? Ba ikaw?? "

("Sabagay..... Oy, Teka??..... Anong ginagawa mo? ")








Maya-maya ay may ibang boses akong narinig.

MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon