CHAPTER 17: THIRD DEGREE BURN

49 1 0
                                    

PYRO POV

Ang Rooftop ang nagsisilbing landing area ng private plane ko dati.









Ngunit ngayon ay inilipat ko na iyon dahil naisip ko na pwede kong maging training ground ang lugar na iyon.

Kailangan ko kasi ng isang malawak na lugar kung saan pwede kong hasain, sanayin at husayin ang kakaiba at natatangi kong abilidad.









Pero kailangan ko rin ng isang tao na tutulong at magmo-monitor sa gagawin kong pagsasanay.

At si Mr. William ang naiisip ko na gagawa nun para sa'kin. Siya lang kasi talaga ang pinagkakatiwalaan ko lalo na sa mga ganitong sitwasyon.









Hindi naman pwede sina Kai at MM dahil may mga kanya-kanya silang ginagawang trabaho.

Hindi rin pwede si Tito Melvin dahil busy din iyon sa Santelmo at baka hindi niya maunawaan ang nangyayari sa akin.









Kaya, si Mr. Willy ang napili ko. Atsaka alam ko din kasi na hindi naman niya ako matatanggihan.









Kaya naman ng maiayos ang rooftop ay isinama ko siya doon. Sinigurado ko na walang ibang tao dun bago ko ini-lock ang pinto. Sinabihan ko rin ang ibang katulong na walang papapasukin na kahit sino hangga't wala kong pahintulot.

"Ah, Sir. Ano po bang gagawin natin dito? "










Tumayo ako ng ilang metro sa kanya.

"Science lesson 101. Nabubuo ang apoy dahil sa init, oxygen at fuel o kahit anong bagay na nakakapagpaliyab. "

"Sir? Pasensya na po pero wala po akong alam sa mga bagay na iyan? "

"Pero alam mo ba Mr. Willy, may natuklasan ako sa aking sarili mula ng mawala ako ng dalawang buwan. "

"Hindi ko po kayo maintindihan? "

"Kaya kong magpalabas ng apoy sa katawan ko??! "

"Huh? "

"Alam kong hindi kapani-paniwala pero believe me. I can do it! "









Itinaas ko ang kamay ko.

"Ang kailangan ko lang gawin ay painitin ang aking katawan at gamitin ang oxygen sa paligid tapos ay gagawin kong fuel ang sarili ko at..... "









F L A M E !

Biglang umapoy ang kamay ko.









Kahit nagawa ko na ito noon ay namamangha pa rin ako kapag nagagawa ko ito ng paulit-ulit.









Nakita ko naman na gulat na gulat at napanganga si Mr. Willy sa akin.

"See?! Ang galing di'ba?! Huh? Teka, Mr. Willy? Saan ka pupunta? "









Nagtaka ako dahil umalis ito at pumasok sa isang maliit na kwarto na nandun sa Rooftop.









Pagkalabas niya dun ay agad nanlaki ang aking mga mata dahil sa mga bitbit nito.

"Te-teka?? Anong gagawin niyo diyan sa----- "

B L A G !








Di ko na naituloy ang aking sasabihin dahil bigla niyang binato sa akin yung hawak niyang fire extinguisher.










MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon