CHAPTER 16: ST. ELMO'S FIRE

51 2 0
                                    

PYRO POV

Pagpasok ni Mr. William sa kwarto ko ay napansin ko na natigilan ito ng makita niya na bihis na bihis ako.

"Oh bakit Mr. William? Ngayon lang ba kayo nakakita ng gwapo? "

"Mukhang may lakad kayo Sir ah? Pupunta po ba kayo ng Santelmo? "

"Ah hindi, mamamasyal lang. Gusto ko muna ng kaunting day-off bago ako pumasok sa trabaho. Atsaka may mga ilang bagay pa akong gagawin eh. "

"Pero Sir? "

"Wag kang mag-alala, may mga kasama akong bodyguards. At isasama ko rin sina Yoji at Bob. "









Nang maayos ko na ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto.

"Ah siyanga pala. " baling ko ulit sa aking katiwala.

"Sir? "

"May impormasyon ka na ba tungkol dun sa pinapahanap ko sa'yo? "

"Ah opo Sir, meron na po. "

"Good. "









MAIN ROAD.....

"Sir, ang dami niyo namang biniling pagkain? Hindi ko po mauubos ang lahat ng ito? " sabi ni Bob.

"Ah, hindi yan para sa'yo? May pagbibigyan ako niyan. And i doubt na hindi mo mauubos yan kung sakali mang sa'yo ko yan ibigay. "









Nahihiyang napakamot sa ulo si Bob.









Kasalukuyan kaming nasa kalagitnaan ng traffic. Kasunod naman namin yung iba pang mga bodyguards na lulan ng dalawa pang kotse.

"Pero Sir? Pwede ba akong manghingi? Nagugutom na kasi ako? "

"Sige lang, basta wag mong ubusin. "

"Yes Sir! "









Bumaling naman ako kay Yoji na kasalukuyang nagmamaneho.

"Ikaw? Nagugutom ka rin ba? "

"Hindi po Sir, salamat na lang. " pagkasabi niyon ay kinindatan ako nito.

"May sakit ka ba sa mata? "

"Ah, wala naman po. Bakit po? "

"Kindat ka kasi ng kindat eh. "

"Ah, ganito lang po ako kapag natutuwa sa tao. "

"Siguro bulag ka na kapag sobra kang natuwa? "

"Hindi naman po. "

"Siguro bading ka? Lagi mong kinikindatan si Sir eh? " singit ni Bob.

"Bob, hindi ako bading. Sampalin kita diyan eh. "

"Hahaha..... Hindi nga. "

Napailing na lang ako sa kanila.









Maya-maya ay napatingin ako sa may bintana.

Natanaw ko sa kabilang kalsada ang isang matandang pulubi.









Yun yung nanlimos sa amin dati at inabutan ni MM ng pera. Napagalitan ko pa nga ito dahil binigyan niya ng pera ang matanda.

Nakita ko na may dala itong supot na pagkain yata ang laman. Tapos ay lumapit ito sa tatlong batang madudungis na na nakasakay sa isang kariton.









Medyo nahabag ako ng pinagmamasdan ko ang kalagayan nila. Pero napangiti rin ng makita ko kung gaano sila kasaya nung inabot na nung Nanay nila yung dala nitong pagkain.









MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon