Chapter 1 - •Past•

18.2K 347 10
                                    

*Sierra POV*

Isa ako sa mga kinatatakutang tao sa lugar namin.

Ang 'Greeny Village'

Ganda ng bungad ko diba?

Greeny Village ito ay isang lugar ng mga taong mahihirap. Sakop ang lugar na ito ng Diamond Kingdom ngunit maski kahit tulong naman lang sa nasabing kaharian walang may dumarating.

Ilang beses nang nagpadala ng sulat ang pinuno ng nayon na toh na tulungan kami ngunit walang may dumating.

Matapos ang nangyaring digmaan dalawampung taon na ang nagdaan mas lalong naghirap ang nayon na ito.

Kaya't masasabi kong walang kwenta ang mga nasa matataas na posisyon.

Porket hindi sila nakakaranas ng kahirapan hindi na nila nakikitang may isang nayon na sakop nila ang naghihirap.

Isa pa itong mga magic council ang tagapagpatupad, tagamensahe, at tagapagbigay ng tulong sa bawat nayon ng buong Haven Acre World.

Mas inaatupag nila ang pagtaas ng kanilang posisyon kesa tulungan ang mga taong naghihirap.

Mga walang kwenta.

Ako nga pala si Sierra Yhasmin Merzon labing-pitong taon na ang babaeng puro kamalasan at gulo ang hatid.

Much better kung tatawaging malas na babae! Ang saya diba?

Bakit ako ang kinatatakutan ng mga tao dito samin.

Well I have this Medusa's Curse.
Not that I have snakes in my hair but I got her eye curse, lahat ng may buhay nagiging bato o di naman nalalanta lalo na ang mga halaman.

This is the reason why people around me are afraid and terrified of me..Ito ang rason kung bakit nag-iisa nalang ako ngayon.

Ito ang dahilan kung bakit miserable ako ngayon..ilang years na ang nagdaan at pinagluluksa ko parin ang mga taong tumanggap sa isang katulad kong malas..

Naisip ko ngang sumunod narin at magpakamatay nalang ngunit may pumigil sakin..Isa iyong anyong tao na purong liwanag..

Sinabi niyang magpakatatag ako..at wag sayangin ang buhay na ito..ang kung anong meron ako ay isang magandang regalo mula sa kanya.

Pano matatawag na magandang regalo ang isang tulad kong malas..malas ako at wala nang iba..and yes I've talked to the Almighty Father the one who created me, all those people, those powers we have, those creatures and this world.

And to tell you right now pinapalayas na ako ng mga tao sa nayon na ito..ano pa bang magagawa ko ang asawa ng pinuno ng nayon na ito na walang ginagawa kundi imaltrato ako ay aksidente kong natitigan na naging sanhi ng pagiging bato nito.

"Lumayas ka halimaw" sigaw ng mga tao.

"Halimaw ka! Hindi ka nararapat na mabuhay pa sa mundong Ito" sigaw ng pinuno ng nayon na ito..akmang susugurin na ako nito gamit ang espada niya ang kapangyarihan niyang gumawa ng metal..

At ang nayon na ito ang tunay na magpapanday..

Kinuha ko na ang mga gamit ko sa bahay..saktong pagkalabas ko pinagbabato nila ako ng bato kasabay ng pagbato nila ng apoy sa bahay na tinitirhan ko at ng pamilya ko.

Di naman ako nasasaktan sa pag bato nila ng bato sakin..siguro it's one of my magic..hindi ko mafefeel ang sakit or mas tamang sabihin na manhid.

Napatingin ako sa bahay namin na tinutupok ng apoy napaiyak nalang ako sa nasaksihan..Itong bahay ang naging saksi kung paano ako naging masaya kapiling ang mga taong tumanggap sa kung ano at sino ako..ilang sandali lang naghilom nalang bigla ang mga sugat ko..yeah right my healing ability.

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon