Chapter 36 - •Scary Sierra•

5.2K 168 2
                                    

*Sierra POV*

Nagising akong nasa isang maliit na kwarto..

Masakit ang ulong napabangon ako..tsaka ko lang napansing may sugat ako sa noo.

"Oh gising ka na pala?" Narinig kong sabi ng isang babaeng tinig sa gilid ko kaya't napalingon ako kung sino ito.

Kunot noong pinagmasdan ko ang mukha nito.

Maganda siya!
Maputi, at palangiti.

Binigyan ko lang ito ng isang malamig at blankong tingin.

"Who are you?" Malamig na tanong ko sakanya.

"Hm..ako ang matagal mo nang kadugtong Sierra" nakangiting sabi niya sakin.

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko sakanya..

"I am your long lost sister Sierra.. I am Sienna" seryosong sabi nito sakin.

Gulat na napatingin ako sakanya..

S-siya si S-Sienna?

Siya yung batang Sienna na napanaginipan ko..at ang pamilyang Yun....oh no....

"Paanong?....." Di makapaniwalang sabi ko sakanya.

"Nasa paligid mo lang ako Sierra..ako ang gumagabay at nagmamasid sayo sa malayo" Sabi nito.

"Bakit di ka magpapakita sakin?" Takang tanong ko.

"Dahil ayokong madamay ka! Matagal na akong pinapahanap at nais ipapatay ni King Lucios, naisip kong magtago at ibigay ka sa mga taong kumupkop sayo dahil ayokong pati ikaw ay madamay" piwanag niya..

"Ngunit paanong ipapatay tayo e ama natin si king Lucios" nagtatakang tanong ko dito.

"No Sierra..he's not our father..he is our uncle! Siya ang kakambal ni Daddy Logan..dahil sa kasakiman at pagiging gahaman sa kapangyarihan ninakaw niya ang trono ni ama at at pinapapatay ang buong pamilya natin..nagawa niyang pasunurin ang tauhang pinamumunoan natin" mahabang Sabi nito.

"N-nasaan na ngayon ang mga magulang natin?" Naiiyak na sabi ko.

"I don't know Sierra! Nagpaiwan si dad noon sa palasyo dahil nais niyang itigil ang pag-atake satin habang si mom ay inilikas tayo ngunit nasundan parin ng mga kalaban, itinago niya tayo sa malaking puno at nagpahabol siya sa mga kalaban at yun na nga ang nangyari..hinanap ko sila ngunit hanggang ngayon di ko parin sila mahanap" naiiyak na sabi niya..

Lumapit ako sakanya tsaka siya niyakap.

"Wag kang mag-alala mahahanap at hahanapin natin sila" malamig na sabi ko sakanya..sabay pat ng likod niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin tsaka pinunasan pa ang mga luha..

"Ano ba yan! Ako na nga ate ako pa madrama..kung titingnan parang ikaw pa ang ate ko kung makaasta ka!" Natatawang Sabi niya.

"Tsss..."

"Kamusta ang puso?" Nag-aalalang tanong nito sakin..

"Wasak" maikling sabi ko sakanya tsaka tumalikod sakanya at kinuha ang uniform kong nakahanger sa isang sulok..

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon