Chapter 38 - •The Unknown Love Story•

5.2K 161 5
                                    

*Sierra POV*

"Hindi!!!!!!!!!!!!!!!!!" Bigla akong akong napabalikwas sa pagkakahiga..

"Love? Love are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Heneral sakin kaya't napatingin ako sakanya..

Naluluhang napatitig ako dito tsaka siya niyakap ng mahigpit..

"Love what happened?" Nag-aalalang tanong ulit niya.

Di ko siya sinagot at mas hinigitan pa ang pagkakayakap sakanya..

No!! Ayokong mangyari yun sakanya!

"Love?" Tanong ulit nito..kaya't kumalas ako ng pagkakayakap sakanya tsaka pinunanasan ang luhang tumutulo sa mga mata ko.

Pilit na ngiting bumaling ak sakanya tsaka nagsalita..

"Okay lang ako!! Masamang panaginip lang" naiiyak na sabi ko at di napigilang umiyak..

Di ko kaya..

Bakit ko magagawa yun sakanya?

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko tsaka pinahid ang luha ko..

"Shhhh..tahan na love..panaginip lang yun di magkakatotoo..gusto mo ba ng maiinom?" Tanong nito sakin..tumango lang ako sakanya tsaka siya bumangon at lumabas ng kwarto.

Napahiga ulit ako at inisip ang napanaginipan ko kanina.

Paanong humantong sa ganun ang nangyari samin?

Paanong mamamatay si Heneral sa mismong mga kamay ko?

Paanong naging iba na ang katauhan ko doon.

Masyado siyang walang buhay at blanko..

Anong nangyari at naging ganun ang katauhan ko?

Di kaya'y ito ang sinasabi na dark side ko?

Hindi!

Ayokong siya ang komontrol sa katawan ko..

Ayokong humantong ang lahat sa ganun!!

Napabaling ang tingin ko sa pinto ng bumukas iyon at nakita si Heneral na may dalang baso at pitcher..

"Here drink this!" Sabi niya sabay nilagyan ng laman ang baso at ibinigay sakin agad ko namang inubos ang laman nun tsaka napasandal sa headboard ng kama.

"Di na ako makatulog Heneral! Ayoko na atang matulog baka bumalik yung panaginip na iyon" natatakot na sabi ko..

Sumandal din siya tsaka pinaunan ako sa dibdib nito..

"Then I'll tell you a story until your asleep" sabi nito..nakahawak pa ang kamay nito sa likod ng balkat ko tsaka yung isang kamay niya nakaunan sa ulo niya..

Tumango ako sakanya bilang tugon..curious din kasi ako kung paano magkwento ang Heneral ko.

"One day, there's this beautiful maiden who lives in the cave..napadaan dito ang isang estrangherong binata na agad na naakit at nahumaling sa ganda nito..napansin ng binata na malungkot ang mga mata nito at puno ng hinanakit..kaya't nilapitan ng binata ang magandang dilag ngunit tumakbo lang ito palayo sakanya at di manlang siya nagawang balingan ng tingin..doon mas lalong naging intersado ang estrangherong binata sa dalaga.." napatingin pa ng bahagya sakin si Heneral tsaka ngumiti..

"Ano? Ituloy mo? Pabitin ka naman  eh!!" Nakangusong sabi ko sakanya..

Kung kailan exciting part na..doon pa siya titigil.

"Okay! Okay! Matapos ang araw na yun..halos araw araw ay pumupunta ang lalaki doon sa kweba upang mas makilala pa ang dalaga at makuha ang loob nito..and glady he succeed..they fell inlove with each other at doon nalaman ng lalaki ang kalangyarihang tinatago ng dalaga..katulad mo rin siya ngunit may kaibahan lang..pag tumitig siya sa biktima nito nahihipnotismo niya ito at sa huli namamatay ang biktimang iyon..kaya't mas lalong takot nalang ng dalaga na mabiktima ang estrangherong lalaki kung kaya't tumakbo nalang siya palayo dito..nung una ay natakot ang binata nung malaman ang kapangyarihang meron ang dalaga ngunit dahil mas lamang ang pag-ibig na nadarama ng binata binaliwala niya ito bagkus ay tinulungan ang dalagang kontrolin ang sumpa nito..di nagtagal ay niyaya siya ng binata ng kasal at dinala sa tahanan nito at doon lang rin nalaman ng dalaga na isang hari ang kanyang napangasawa..tinanggap rin naman niya iyon sa huli at namuhay sila ng masaya at payapa..ngunit..." mahabang sabi nito..

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon