Chapter 7 - •Other World•

7.8K 225 5
                                    

*Sierra POV*

"La!!!" Sigaw ko.

Napatingin ito sakin at gulat na bumangon..

Tumakbo ako palapit sa kulungang pinaglalagyan ni Lola.

"Apo bat andito ka? Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na! K-kalaban sila apo! N-nais nilang pabagsakin ang ating Reyna Winter" nanghihinang sabi ni Lola..

Hinawakan ko ang kamay ni Lola.

"La! Ililigtas kita dito" umiiyak na sabi ko sakanya.

"Kahit anong mangyari wag mong sasabihin sakanya ang kakaibang kapangyarihan mo.." bulong niyang sabi sakin.

"La!!" Umiiyak na sabi ko.

"Umalis ka na! Iwan mo na ako dito apo! Iligtas mo ang sarili mo." Nanghihinang sabi ni Lola..sabay tinulak ako..

Gagamitin ko na sana ang teleportation ko ng may kung anong sumakal sakin.

"A-acckkk" daing at pagkuha ko ng hangin..napalingon ako kung saan galing ito.

Galing ito sa lalaking nagsalita kanina..at isang dark magic ang gamit nito.

Teka? Akala ko ba wala nang dark users ang natira bat may natira pa?

"Hindi mo kami matatakasan hangal!" Nakakatakot na sabi nito.

"S-Sino ka? Bakit mo di-dinakip ang l-lola ko? Bakit dinala m-mo ako d-dito? Pakawalan mo na kami" Tanong ko..Hindi ko na maitago ang emosyon ko..si Lola nalang ang natitira sakin..

"Papakawalan kita kung susundin mo ang utos ko kapalit na din ang buhay ng Lola mo" Sabi niya.

"A-anong kailangan kong gawin?" Nahihirapang sambit ko..sumasakal parin sakin ang itim na mahika nitong parang latigong nakapulupot sa leeg ko.

"Maging espiya ka sa Winters Magical Academy kunin mo ang tiwala ng mga royalties lalong lalo na si Queen Winter kunin mo Ang buong tiwala nila nang saganun hindi sila manghinala sayo..pag nagawa mo nang makuha ang tiwala nila diyan ka na kikilos!" Sabi niya..

"Hindi apo! Wag mong sundin ang sinasabi niya" sigaw ni Lola..napatingin naman ako sakanya.

"Tumahimik ka!!" Sigaw ng lalaki.

"Ayoko!! Kailan may hindi ako susunod sayo" sigaw ko sakanya..biglang humigpit ang pagakasakal sakin ng itim na mahika.

"A-acckkk" nahihirapang sambit ko.

"Madali akong kausap! Patayin ang matandang iyan!" Sigaw niya..

Hindi!!

Ayoko mang gawin ngunit kailangan.
Ayokong madamay si Lola dito.

May lumabas na itim na mahika mula sa pinanggalingan ng boses ng lalaki at dumapo iyon Kay Lola..bigla nalang siyang napahawak sa leeg nito na para bang sinasakal siya..Ang ending pareho kaming sakal sakal ng itim na mahika ng lalaki.

"S-sandali!! Tama na!! P-payag na ako! Payag na ako" Sigaw ko..bigla nalang nawala ang itim na mahika kaya't napa hinga ako ng maluwag..

Duwag man pakinggan ngunit ayaw ko nang may madamay pa nang dahil sakin..ayoko nang pagdusaan ang mga nangyayari sa mga taong malalalapit sakin.

"Yan!! Madadaanan ka naman pala sa dahas" Sabi ng lalaki.

"A-anong gagawin ko pag nakuha ko na ang tiwala nila?" Tanong ko.

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon