Chapter 39 - •Birthday to Trouble•

5K 180 10
                                    

*Sierra POV*

"Sierra sandali hintay!!" Rinig kong sigaw ni luna sa likod ko ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at nagpatuloy sa pagtakbo..

Pagkapunta ko sa forbidden garden napansin kong walang katao-tao dun!

Okay nasaan na ang sinasabi ni ni luna na nag-aaaway?

"Luna nasaan ang--------" naputol ang sasabihin ko ng mapansing wala rin si luna sa likod ko..

Nasaan na sila?

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ngunit wala ni isang bakas o anino naman lang nila..

Nasaan na ba kasi sila?

Ilang sandali lang may nagtakip ng mata ko..

Magpupumiglas na sana ako ng marinig kong magsalita ito.

"Stay still love" bulong nito sa tenga ko..

"Ano ba kasing nangyayari?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

Di ko na iyon narinig pang nagsalita at nakatakip parin ang mga kamay nito sa mga mata ko.

Ilang sandali lang ay pinag-umpisa ako nitong maglakad habang nasa mga mata ko parin ang mga kamay nito..

"Sabihin mo nga kung anong nangyayari at may pagakbang hakbang ka pang nalalaman?" Inis na sabi ko sakanya..

"Isang hakbang nalang love.." sabi nito..

"Ayoko..." inis na sabi ko.

"Promise isang hakbang nalang" sabi nito..kaya't napililitang humakbang nalang ako.

"Okay and open your eyes" malambing na sabi nito..

Iminulat ko ang mga mata ko..sa una medyo blury pa ang paningin ko hanggang sa unti unting luminaw ang paningin ko..

"HAPPY BIRTHDAY SIERRA!!!!!!!!!!!" sigaw nila sabay paputok ng confittee..

Gulat na napatingin ako sakanila..birthday?

Napatampal nalang ako sa noo ko ng maalala kung anong araw ngayon..

Birthday ko nga pala ngayon! How could I forget my special day?

Nakangiting tumingin ako sakanila tsaka pinagmasdan ang paligid..

Pinaghandaan talaga nila ang paligid..

Napapalibutan ng mga lobo ang paligid at may mahabang lamesa malapit sa tree of eternal love..at may mga pagkain nang nakahain doon..

Nakabihis na din sila..bongga ah! Pinaghandaan talaga.

"Happy birthday love" narinig kong sabi ni heneral sa likod ko at naramdaman ang pagyakap nito sakin..

"Di ko inexpect na mangyayari toh! How did you know my birthday? Ni ako nga nakalimutang birthday ko pala ngayon" natatawang sabi ko sakanya..

Naramdaman ko ang pisngi nito sa pisngi ko kaya't mas lalong napangiti ako..

"Alam mo bang alalang-alala ako..kala ko nag-away na talaga kayo ng tuluyan ni Heneral Magnus..di na tuloy ako nakapagsuklay at dali daling pumunta agad dito.." sabi ko dito.

"Di mo naman kailangang mag-ayos eh! Maganda ka na sa paningin ko" sabi nito..kaya't mas lalong lumawak ang ngiti ko..

"Ang korni mo..puntahan na natin sila.." sabi ko dito tsaka nagpatiunang maglakad sakanya palapit sa mga kasamahan ko.

Isa-isa silang lumapit sakin tsaka binati ako..

Ilang namang bumati sakin si Seline at Caspian..

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon