Chapter 55 - •The Battle Begins•

4.8K 167 2
                                    

*Sierra POV*

Bumalik ako sa dating mansiyon na tinitirhan ni Sairra..

Nakakamiss palang bumalik dito..

Sa paglilibot ko sa mansiyon bigla nalang akong napahawak sa dibdib ko..

"Ahh....aray..."pag-inda ko sa sakit na nararamdaman..feeling ko para akong pinapaso na hinahampas na sinusuntok basta masakit na mahapdi..

Bigla kong naisip si Sairra..

Anong ginagawa nila kay sairra?

Alam kong nasa ilalim siya ng kontrol ng mga kalaban at wala siyang laban lalo nat siya ang bad side ko..madali siyang makontrol ng mga ito..at ngayon..nag-aalala akong baka may pinapagawa o ginagawa sila kay sairra..na labis nalang ang sakit na nararamdaman ko..

"Sairra...." pagtawag ko sakanya..

"Sairra..." pag-uulit ko kahit iniinda ang sakit na nararamdaman..

Bigla nalang nagpakita si Sairra sa harapan ko at kalunos lunos ang kanyang kaanyuan ngayon..

Maraming pasa at dugo sa buong katawan..

"SAIRRA!!!!" Sigaw ko sabay lapit sakanya..

"Sierra..patawad..patawad..." nasabi nalang niya..

"Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ko..

"Sierra..sumasalakay na sila..nakuha nilang kontrolin ang katawan mo kahit ako ang gumagamit nito..nalaman din nilang ikaw ang may hawak ng Legendary Curse at gagamitin nila iyon para gawing bato ang lahat ng mga taong ayaw silang sundin..nasa pilegro na ang Haven Acre World Sierra..nagawa nilang gawing bato na ang ibang tao bago mo ako tawagin dito..patawad wala akong magawa..gumawa sila ng ritwal na parusahan ako ng hindi nagagalaw ang katawan mo kaya ganito nalang ang inabot ko upang pigilan ang nais nila..patawad sierra..sa ngayon nasa harap na sila ng Akademya..naroroon narin ang mga hari at reyna upang makipag laban..natatakot ako sapagkat wala silang laban sayo..maski si Queen Goddess wala nang magagawa pa upang pigilan ang mga mangyayari ang tangging paraan nalang ay bumalik ka..at tapusin ang lahat.." mahabang sabi nito..

Tila nanlumo ako sa sinabi nito..

Nagsimula na pala ang digmaan..

Nagsimula na silang sakupin ang buong Haven Acre World..

Wala manlang akong nagawa..

"Magpahinga ka muna Sairra ako nang bahala sa lahat..babalik din ako..at pagbalil ko magiging maayos narin ang lahat" nakangiting sabi ko sakanya tsaka siya inalalayan palapit sa kwarto niya at inihiga siya dito..

Hinalikan ko ang noo niya hanggang sa mapansin kong unti unti na niyang pinipikit ang mga mata niya..

"Sleep tight..Don't worry what's happening outside..you did a great job Sairra" mahinang sabi ko sakanya tsaka tumalikod na at lumabas ng kwarto niya..

Nanlilisik ang matang tumingin ako sa kawalan..

Maghanda kayo!! Ako mismo ang bubura sa inyo sa mundong ito..

*Third Person's POV*

Patuloy ang pagsabog sa labas ng Akademya..

Lahat ay naglalaban laban..gamit ang espada kapangyarihan mga nilalang mapa himpapawid man sa tubig o sa lupa..

Walang nais na matalo sa magkabilang panig..

Ngunit makikita na pabor ang pangyayari sa mga kalaban dahil umuunti na ang sa tauhan sa kabilang panig..

Itinago muna nang mga kalaban ang katawan ni Sierra na kanilang nakontrol..at ilalabas lang ito pag hindi sumuko ang mga royalties..gagamitin nila itong pain para mapasuko ang mga ito at pag hindi gagamitin din nila ito para gawing bato ang mga ito at sakupin ang buong Haven Acre World..

Sa ngayon..pinagtutulungan ng mga kalaban ang mga royalties na patumbahin..

Makikita ang pagod..mga pasa at sugat sa buong katawan at iniindang sakit at hapdi ng sugat at nananatilimg nakikipaglaban sa mga ito..

Bigla nalang nahati ang mga kalabang nanonood lang sakanila at lumabas doon ang nag-iisang anak ni Haring Lucios..na isa rin sa nagplanong ipapatay rin ang  kanyang ama at pamunuan ang kaharian kasama si Harriz na dating kanang kamay ng ama nito..

"HAHAHAHA....Ano kayo ngayon mga kamahalan..malapit na naming masakop ang mundo niyo..malapit na naming maangkin ang kapangyarihang dati pa naming nais na makamit..titingalain kami ng lahat..at kayo ay aming magiging alipin" nakangising sabi ni Honey..ang pekeng prinsesa ng Haven Acre Kingdom..

"Mamamatay muna ako bago mo maging alipin" inis na sabi ni Seline..

"Ganun? Paalam na sayo..." sabi ni Honey sabay nagpalabas ng kakaibang klase ng itim na kapangyarihan tsaka napansin nalang nilang nahihirapan na si Seline na huminga at nagkukulay lila na..

"M-mas m-mabuting ma-mamatay ng lu-lumalaban kesa sa w-wala manlang g-ginawa at maging d-duwag k-katulad m-mo" nahihirapang sabi ni Seline..

"Ohh..nakakatouch naman yang sinabi mo..too bad it's your last breath any last message to them or last message to me? Yung sweet ah!! Para feel na feel ko.." Nakangising sabi ni Honey..

"Fuck You! Rot in hell bitch" sigaw ni Seline..

Bigla nalang napasigaw sa sakit si Seline nang mas lalo pang patindihin ni Honey ang sakit na ibinigay nito..

Honey possess the ability to feel the pain and take it's soul..

Kaya't ganyan nalang ang nararamdaman ni Seline..

"Seline!!!!" Sigaw ni Tobias..

Umiling iling lang si Seline na para bang ayaw palapitin sakanya si tobias..napansin naman iyon ni Honey kaya't ginamitan niya din iyon ng kapangyarihan..

Bigla nalang napaluhod si Tobias ng maramdaman ang sakit..

"Seline..Tobias" sigaw ni Cora..

Wala silang magawa dahil doble doble ang kalaban nila..at di manlang malapitan ang dalwang kaibigang nahigirapan sa kamay ni Honey..

"Itigil mo na muna yan aking reyna..may pasabog pa tayong kailangang ipakita sakanila..kung ayaw nilang sumuko gagamitin natin siya para kusa silang sumuko..siya ang susi nila at ngayon..wala silang kalaban laban.." nakangising sabi ni Harriz sa likod nito..

"Of course my king..mapapasunod natin sila..dahil lahat naman sila mga walang kwenta..at mahihina" nakangising sabi ni Honey tsaka pinakawalan sina Seline at Tobias sa kapangyarihan nito..

Agad namang nilapitan ni Tobias si Seline nan naghihina kahit maging siya ay nanghihina rin..

"A-ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Seline kay Tobias sabay hawak sa pisngi nitong may maliit na hiwa..

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan..Ayos ka lang ba ha? Saan masakit?" Naiiyak na sabi ni Tobias habang hawak ang magkabilang pisngi ni Seline..naiiyak siya dahil sa sinapit ng babaeng kanyang iniibig..

Samantala....

Sa madilim na parte kung saan hindi nalalayo sa labanan ng magkabilang panig ay nanonood ang dalawang babae ang isa walang emosyon at  parang walang planong tumulong..at ang isa ay nanlilisik sa galit habang nakatingin sa mga nag lalaban laban..

Pinagmamasdan nila ang magkabilang panig..kung sino ang mas malakas at kung sino ang magwawagi..

At ang isa rito ay si Sierra..

_________________________________________________

Ano ang gagawin ni Sierra?

Sino ang isa pang babae?

Anong meron kina Seline at Tobias?

Anong mangyayari sa Haven Acre World?

Abangan...

Love lots...

Ms. Winter Rose

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon