Chapter 51 - •Visit On HAW•

4.6K 179 0
                                    

*Sierra POV*

Naalimpungatan ako ng may maramdamang tumatapik sa pisngi ko..

"Sierra..Sierra..." mahinang sabi ni Azul..

Napamulat naman ako ng mata at tiningnan ang basang basa na si azul..

"Nasaan na tayo?" Nanghihinang tanong ko sakanya.

"Andito parin tayo Sierra..nasa tabing dagat lang tayo ng hole..kanina nung makaahon tayo wala na ang yateng binayaran natin..ano ayos ka lang? May masakit ba sayo?"inis na sabi nito..

"Ayos lang ako..mahapdi lang ang sugat ko..tsaka wag kang mainis sa mga yun..natakot siguro dahil sa malakas na hiyaw ng nilalang kanina.."sabi ko dito..inalalayan niya naman akong tumayo para makita ang hole..

Tiningnan ko ito at sinuring mabuti..

How come na hindi ito ang hole..

"..the darkness and deep love in your heart is your portal to your destination"

"..the darkness and deep love in your heart is your portal to your destination"

"..the darkness and deep love in your heart is your portal to your destination"

Nagpa-ulit ulit ang mga linyang iyon sa isip ko..

'In my Heart'

'In my Heart'

Does it mean it's in my Heart?

"Azul let's go home" sabi ko dito..tsaka gumawa ng portal..

"Okay.."sabi nito tsaka inalalayan akong makapasok sa portal..

Bumungad samin ang kwarto ko..buti nalang walang mga katulong na naglilinis ngayon sa kwarto ko..

Agad akong pumunta sa office ni mom..

~TOK TOK~

Pagkatok ko sa pinto ng office niya..

"Come in.." sabi ng tinig nito mula sa loob..

"Mom.."mahinang sabi ko kaya't napatingin ito sakin..

"Oh baby your already here? Ang bilis naman..how was your mission?" Tanong niya sakin..

Umupo ako sa upuang kaharap ng table niya..

"Wala doon ang hinahanap namin mom"nakapangalumbabang sabi ko sakanya..

"Ha? Kung ganun asan ang hinahanap niyo?" Nagtakang tanong ni mom..

"Yun na nga po eh..may clue na ako ngunit di ako sigurado kung tama ba iyon..nagkamali ako sa una kong clue ngunit natatakot akong magkamali ulit mom.." sabi ko kay mom..napabuntong hininga nalang ako..

"Anak..wag kang magdalawang isip..wala namang masama kung sa unang subok mo ay nagkamali ka malay mo sa pangalawang subok mo'y naroon na pala..failure is just a try out to know the lesson on it..ang pagkakamali ay hindi maiiwasan ngunit maaari nating itama..ito ay isang pagsubok na ibinigay sayo anak..wag kang panghinaan ng loob dahil lang sa nagkamali ka bagkus gumawa ka ng paraan para masulusyunan ito at maitama lahat" nakangiting sabi ni mom..

Napangiti ako sa sinabi nito..

"Okay..I'll give it a try..I'll do it" lakas loob na sabi kp sakanya..nakita ko naman ang pag ngiti nito ng malapad..I love seeing her smiles..

Ginamot niya muna ang sugat ko at nilagyan ng bandages..

Bumalik ako ng kwarto at nakangiting humiga..nag-isip ako kung ano ang gagawin..

What if..I'll visit the Haven Acre World..

Good Idea sierra..

Di naman ako magpapakita sakanila..I'll do my disguise..

Inayos ko ang sarili ko..nilagyan ko ng pimples ang mukha ko..pinakapal ang kilay..tuyong labi at tsaka dry skin..isinuot ko rin ang salamin ko sa mata para di halatang ako ito..

And done..nagsuot ako ng jeans at kupas na oversized t-shirt..

Gumawa ako ng portal tsaka papasok na sana doon nang may magsalita sa likod ko..

"Master saan ka pupunta?" Tanong ni azul..

"Bibisitahin ko lang ang Haven Acre World Azul total may ilang araw nalang tayong natitira para mahanap ang pinapahanap niya.."sabi ko sakanya..

"Kung gayon sasamahan kita..pero ang pangit mo.."  natatawang sabi niya tsaka nagpatiunang naglakad papasok sa portal..iiling iling na sumunod nalang ako sakanya..

Pagkalabas ko ng portal tumambad sakin ang magulo sira sirang mga gusali at nasusunog na mga kabahayan..maririnig mula sa kinatatayuan namin ang sigawan ng mga tao..at mula dito kita ko ang pagsalakay ng mga kalaban..nakita ko rin ang sira nang paunang pader ng Academy..

All this time..may mga nangangailangan na pala ng tulong ko..bakit wala akong nagawa..wala akong kwenta..

Bigla akong napatakbo palapit sa kalapit na bayan..

Bigla kong tinulungan ang batang kakalmutin na sana ng isang halimaw..bigla kong pinalabas ang Lux power ko at inatake sa kalaban na agad namang ikinawala nito ngunit bago mawala ito bigla niyang nadaplisan ang braso ko at natanggal ang glasses na suot ko..

Dahil sa pag atake sa kalaban..nakuha ko ang pansin ng ibang kalaban at ng ibang mga estudyante galing ng academy kaya't di ko alam kung saan ako mag tatago para hindi nila ako mamukhaan..

Bigla nalang may nagtabon sakin at pinasuot ang Gold na kulay ng isang Hood..

"Mas mabuting itago mo ang iyong anyo master.."sabi ni Azul na naka black na hood..

Sabay kaming umatake sa kalaban..tsaka isa-isa silang pinatumba..

Hanggang sa napunta kami sa harap ng Academy at doon mas dumami ang kalaban..nakita ko ang pagod at puno ng sugat na mga royalties ganun din si Luna at Heneral na seryosong nakikipaglaban..

Namimiss ko na sila..

Biglang tumigil si Heneral sa pag-atake ng maramdaman niyang may nakatitig sakanya..tumingin ito sa gawi ko at kunot-noong tiningnan ang kabuoan ko kahit na nababalutan ako ng hood.

Nang makita kong may aatake sakanyang likod agad akong nagpalabas ng bow at magic ko ang ginawa kong arrow tsaka inasenta sa kalabang masa likod niya..agad ko iyong pinakawalan at nakita ko pa ang pag-yuko nito..akala ata niya siya ang punterya ko..napatingin siya sa likod niya at doon nakita ang lupasay na kalaban..

Bigla akong tumalikod sakanya..tsaka kinalaban ang iba pang kalaban..bat hindi maubos ubos ang mga ito..

"Ahhhhhhhhhhhh!!!!!!"sigaw ng kung sino kaya't napatingin ako kung sino ang sumigaw na iyon..

It's Seraphina..puno na siya ng lawis at halata na sa mukha nito ang hirap at pagod lalo nat marami na itong sugat at pasa sa katawan..

Bigla kong pinalabas ang golden lux ko at ginawang dagger..at inasenta sa kalabang akmang sasaksakin si Seraphina..

Nang makitang nakahandusay na ang kalaban napatingin sakin si Seraphina..

Inipon ko ang natitira kong lakas tsaka pinagaling ang kanilang sugat at binigyan sila ng sapat na lakas para maubos ang mga halimaw na ito..

Nang makita kong nawala ang mga pasa at sugat nila ay tila..nanlambot naman ang tuhod ko dahil sa panghihina..

Bigla nalang akong natumba ngunit may bisig na sumalo sakin..

"Are you okay?" Malamig na sabi ng isang tinig na hinding hindi ko makakalimutan kailanman..

Si Heneral..

_________________________________________________

Please don't forget to Vote, Comment for some opinions and feedbacks and lastly Follow me on my Account..thank you..

Ms. Winter Rose

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon