Chapter 30 - •Haven Acre Kingdom•

5.5K 188 1
                                    

*Sierra POV*

_1 Month Later_

"Sierra bilisan mo!!!" Sigaw ni Luna mula sa labas ng kwarto ko.

Dali Dali akong pumunta sa may salamin tsaka tiningnan ang pagtuhog ng earings ko sa tenga ko.

"Oo na excited lang" pabalik na sigaw ko sakanya..

Excited makita ang mahal niya.

"Ikaw talagang babaita ka baka malate na tayo" sigaw pa ulit nito..

Kinuha ko ang di heels na sapatos ko saka isinuot sa paa ko.

"Ito na nga..atat lang!" Sigaw ko dito..mukha kaming tanga kung magsigawan sa totoo lang.

Actually dalawa nalang kaming nasa second floor pa kasi kanina pa nandun ang iba sa baba..

Well to tell you honestly..nitong nagdaang buwan maraming nangyari like..di na nagkabalikan si Seraphina at Caspian.. kaya't sobrang sama lagi ng tingin sakin ni Caspian pag nagkakatitigan kami..

Si Seline naman na talagang ilag lagi sakin na para bang may nakakahawa akong sakit..Di parin sila nagpapansinan ni Abegail.

Sila Lucy at Jullos naman ayon bangayan overload parin..

Habang si Tulips at Laxus na nasa getting to know each other stage na..Wala eh nahulog ang makulit na Tulips sa pasimpleng pagluluto ng pagkain si Laxus habang nahulog naman ang Chef Laxus namin sa simpleng pacute ng pasaway na Tulips.

Yung iba ayon parin..pero may mga nakikita akong nabubuong Sparks sa bawat isa sakanila.

At nito lang nakaraan may sumugod na namang kalaban ngunit kumunti ito kaysa nung una.. kaya't konti lang ang sugatan at napatay din lahat ng umatakeng monster and evil creatures..

"Ano lalabas ka o lalabas ka? Sigaw na naman niya mula sa labas.

"Ito na ito na!! Bat kailangan nakaformal pa tayo ha?" Nagtatakang tanong ko sakanya..nung buksan ko ang pinto.

"Remember nung araw na pinapatawag sana tayo ni headmistress sa office niya..sinabi niya na pinapapunta tayo ni Queen Goddess sa kaharian nila kaso hindi natutuloy dahil sa sunod sunod na event nila at sa nangyari pang pagsugod nitong nakaraan kaya ngayon tayo pinapaunta doon dahil may kailangan silang sabihin satin" mahabang Sabi ni Luna habang pababa na kami ng hagdan.

Napansin naming napatingin samin ang iba ngunit di ko nalang iyon pinansin at napatingin kay Heneral na ngayon ay karga si baby girl.

Pagkababa namin agad kong hinalikan sa cheeks si baby girl tsaka hinalikan ng mabilis sa labi si Heneral..hehe nakakaadik eh!

"Let's go!" Malamig na sabi ng Isa pang Heneral..tsaka tinalikuran kami..

Anyare dun?

Sumunod kami sakanya at pagkalabas namin nakita ko ang apat na carriage na may tig aapat na mga pegasus..

Astig!!!!!

Sumakay naman kami at kasabay namin si Luna at ang isang Heneral..

Magkakatabi kaming tatlo ni baby girl at ni Heneral habang magkatabi si Heneral Magnus at Luna sa harap namin.

Kinukulit ko si baby girl habang si Heneral ay inaayos ang buhok ko..nahahip naman ng Mata ko ang seryoso at malamig na tingin samin ni Heneral Magnus.

Ano nangyayari sa lalaking to?

Napakunot noo akong napatitig sakanya..tsaka tumingin kay Heneral.

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon