Chapter 60 - •The Last Chance•

6.5K 188 9
                                    

*Third Person's POV*

Puno ng paghihinagpis at pagluluksa ang buong Haven Acre World sa nangyari sa dalawang magkasintahan..

Maingat nila itong inilagay ang sa isang matibay na higaan gawa sa isang matibay na kahoy..kunga saan magkatabi nilang pinagtabi ang dalawa sa higaan na iyon at doon ibinurol sa lugar kung saan sa umpisa palang umusbong ang pagmamahalan nila..

Ang Forbidden Garden..

Ganun parin ang kulay ng paligid at patuloy parin ang pagyanig at pagtibag ng mga lupa sa iba't ibang parte ng mundo..

Ngunit hindi iyon naging hadlang upang masira ang burol ng dalawang taong minsan nang nagbigay ng pag-asa sakanila..ang dalawang taong lumaban kahit sa huling hininga..

Doon narin ibinurol ang iba pang royalties na nasawi sa laban..

Lahat ay puno ng hinanakit sa puso sa nangyari sa mga nasawi..

Samantalang huli na nang dumating ang mga taong sa simula palang naging parte na sa buhay ng dalawang magkasintahan..

"Huli na ba kami ng dating?" Sabi ng isang tinig sa likod..

Napatingin naman ang mga tao dito..at namita ang apat na taong di nila mapagsino kung saan ito nanggaling..

"Siella...." mahinang sabi ni goddess winter na namumugto ang mata sa iyak dahil sa nangyari sa isa sa kambal nito..

"How was my daughter Winter?" Naluluhang sabi ni Siella ang ina ni Winter..

Napayuko nalang si Winter tsaka tumingin sa dalawang magkasintahan..

Para silang second version ng romeo at juliet na magkatabing ibinurol..

Napatingin naman doon si Siella at biglang tumulo ang mga luha sa mga mata nito..

Bagamat alam na niyang may nangyari nang hindi maganda dito ay naghahangad parin siya sa kaligtasan ng isa sa kambal niya..

Hawak hawak ni Siella ang tunay na book of secrets habang palapit ito sa kung saan nalagay ang mga labi ng kanyang anak..

"Sierra...gumising ka...andito na si Ate.." umiiyak na sabi ni Sienna nang makarating sila sa harap ng magkasintahan..

"Atticus...." mahinang sabi ng lalaking minsan nang tumayong ama ni atticus ang ama ni Sierra..

Lumapit dito ang ama ni Sierra tsaka pinagmasdan ang dalawa..

Hanggang sa huling hininga nila pinakita nilang ang kanilang pagmamahalan ay hindi matitibag kahit hanggang kamatayan man..

Umiiyak na lumapit si Winter kay Siella at niyakap ito..si siella ay minsan nang naging tunay niyang kaibigan nung nasa mortal world pa sila..

Si Siella ang tanging nakakaintindi sa nararamdaman ni Winter noon...sa mga pambubully noon ng mga estudyante kay Winter..naroroon siya..bagamat hindi niya pinapakita sa harap ng mga estudyante ang pagtulong niya kay winter..pasekreto niya iyong sinusundan si Winter para tulungan..

Naging sandigan nila ang isa't-isa..kahit na medyo iwas sa personal na buhay niya si Winter noon kay Siella..ayaw ni Winter madamay si Siella kaya't pasikreto silang nagkikita sa rooftop ng school nila noon.

Hanggang sa dumating ang mga transferees na sina Ace kaya't naging panatag na si Siella na hindi na magagalaw ng mga estudyante si Winter kaya medyo lumayo siya kina Winter hanggang sa nawalan na siya ng balita kay Winter kaya't gumawa siya ng paraan para mahanap ang matalik na kaibigan na ngayon ay nakita niyang nasa ibang mundo pala naninirahan..

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon