Chapter 33 - •Jullos & Lucy•

4.9K 170 1
                                    

*Sierra POV*

Bigla ako nitong iniharap sakanya at napatitig ako sa mga mata nito..

Ang dating blankong expresiyon ngayon ay di ko malaman kung ano klaseng emosyon ang meron siya ngayon halo halo kasi ang nakikita ko.

Unti-unting lumalapit ang mukha niya saakin hanggang sa napapikit nalang ako..

Naramdaman ko ang malambot na labi nito sa labi ko na tinugunan ko naman agad..

Ang dating malambing at maingat ngayon ay napalitan ng marahas at may diing halik..

What's happening?

Pinutol ko ang halikan namin at tumitig sa mga mata nito..

It's bloody red!! His eyes looks blood!

Napahawak ako sa mga mukha nito.

"Heneral!! What's happening" nag-aalalang tanong ko dito..

Tumitig muna siya sakin hanggang sa napahawak siya sa ulo nito..

"A-ahhhh" ungol nito sa sakit.

"Heneral! Saan masakit?" Nag-aalalang tanong ko dito..

"Lumayo ka!!" Sabi nito sakin..

"Anong nangyayari sayo?" Kinakabahang sabi ko..

"The Death Spirit..I can't control it..Lumayo ka muna Love b-baka mapahamak k-ka" nahihirapang Sabi nito.

Pinagmasdan ko siya sa kama habang namimilipit sa sakit at nakahawak pa sa ulo..

"Ahhhhhhhhh!!!!" Sigaw nito..

"Atticus!!!!!" Naiiyak na sambit ko.

"Sierra anong nangyayari?" Kinakabahang sabi ni Luna na nasa likod ko napatingin naman ako sa likod pa nito at nakitang nandoon ang royalties.

Lumapit si Jullos kay Heneral ngunit inihagis lang siya nito sa pader..

Akmang lalapitan ng ibang mga Royalties si Heneral ng pigilan ko sila..

Ayokong mapahamak sila..q

"Step aside!! I'll calm him down" lakas loob na sabi ko sakanila..

"Baka mapahamak ka Sierra" nag-aalalang sabi ni Luna.

"Oo nga tingnan mo yung nangyari kay Jullos" kinakabahang sabi ni Rumi.

Tiningnan ko naman ang kinaroroonan ni Jullos na ngayon ay nakahiga sa hita ni Lucy na ngayon ay umiiyak.

Tumungo ako at di malaman kung sino sakanila ang susundin ko.

"Aaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh" sigaw ni Heneral kung kaya't walang pag-aalinlangang pumunta ako sa kinaroroonan niya at tinitigan siya sa Mata..

Bigla akong kinabahan ng maramdamang nawala ang seal na ginawa ko sa Medusa curse kung kaya't nag-aalalang napatingin ako kay Heneral..

Tumigil siya sa pag-ungol at napatitig ng tuluyan sa mga Mata ko..

No!! Wag kang tumitig..

Umiiyak na tumitig ako sa Mata nito..

Once kasi na gamitin ko ang Medusa curse ko at kung saan tumapat ang mata ko di ko na maiiwasan na titigan ito hanggang sa maging bato..

Parang may sariling pag iisip ang mga mata ko pag ginamit ko na ang Medusa curse kahit na ayaw kong titigan ng matagal ang mga mata ng mga nabibiktima ko kusa itong parang magnet na nagdidikit ng tingin namin...

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon