Chapter 10 - •Who Are You•

6.9K 227 4
                                    

*Sierra POV*

Dinala ako ni Luna sa isang madilim at malawak na room.. training room ata nila.

Bigla niya akong tinulak papasok tsaka agad na sinara ang pinto..

Lintik Lang!! Ayokong mamatay sa takot dito..

"Luna!! Buksan mo ang pinto" sigaw ko..ngunit walang may sumagot sakin..kainis..

Nako naman yung babaitang iyon! Magtutuos tayo mamaya.

Napatingin ako sa paligid..grabe ang dilim sa dulo ng room nakakatakot.

Ilang saglit lang may narinig akong kaluskus..huhu ito na ba? Makakakita na ba ako in real life ng ghost? Baka black lady ito? Wag naman huhu!

Ipinagdarasal ko ang hustisya ng pagkamatay ko.

Papalapit ng papalapit ang kaluskus..napapikit nalang ako sa takot huhu..ayoko na!! Naninindig na ang balahibo ko sa takot.

Biglang may humawak sa braso ko kaya't nagsisigaw-sigaw ako!!

"Hey it's me!" Sabi ng malamig na tinig..waaahh multo nga!!

Nagpupumiglas ako tsaka sumigaw ng sumigaw..habang nakapikit parin ayokong tingnan ang kung sino mang kaluluwang ito.

"F*ck" mahinang sabi niya ngunit rinig ko.

Hala? Nagmumura na pala ang multo? Huhu scary!

"Kyaaahhh nagmumura ang multo,! Yaaaaahhhhh" sigaw ko..naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagkakahawak ng multo sa braso ko tsaka pwersahang pinaharap sakanya.

Ilang sandali lang natigil ang pagsisigaw ko ng maramdaman kong may malambot na bagay ang nakalapat sa  labi ko.

Ito lang ang masisiguro ko! Hindi multo ang nandito.

H-hinalikan ako ng isang di ko man lang kilala..huhu my first kiss!!

Sinamantala ng hayop na to ang kahinaan ko bilang babae.

"Better way to shut your mouth" Sabi nito..napamulat naman ako tsaka tumingin sa nilalang na lumapastangan sa kahinaan ko.

Matalim ko itong tiningnan si walang hiyang Heneral Atticus..

Ilang sandali lang biglang kong pinalabas ang element of fire ko tsaka pinabulusok ang meteor fire ko sakanya.

He dodge my attack so easily..na para bang hinihintay niya lang itong dumapo sakanya..

How? Ang bilis naman ng pagpapabulosok ko nun ah? Na predict agad niya?

"Tsk..too slow!!" Asar na sabi nito.. kaya't nag igting ang panga ko tsaka sabay sabay na pinalabas ang elemental power ko..

My Meteor fire
My Aqua Wave
My Air dagger
My Thorn Vines

Ngunit isang pitik lang nalipat sa iba't ibang direskyon ang mga atake ko..

How can he do that?

"Too weak!" Sabi niya.

"Anong sabi mo?" Inis na sabi ko.

"Too weak! Baka isang kumpas palang ng kalaban nalagutan ka na ng hininga" malamig na sabi nito..

Napanganga ako sa narinig..hindi dahil sa sinabi niya ngunit........

"Hehehe ang cute mo mag Tagalog Heneral" hagikgik na sabi ko.

Inirapan lang ako nito tsaka tumingin sa buong training room.

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon