Chapter 5 - •Fate•

8.1K 271 3
                                    

*Sierra POV*

"Sino ka? Bat kasama mo si Princess Tulips?" Tanong nung Heneral nila.

Di ko akalaing prinsesa siya! Bat di ko agad natuklasan?

"Wala akong alam sa sinasabi mo" malamig na sabi ko dito na ikinagulat niya.

Sige magulat ka! OA lang!

"Mga kawal dakpin ang babaeng iyan at ikulong siguraduhin niyong hindi yan makakatakas" maotoridad na utos ng heneral sa mga kawal nito.

Siguro'y mas matanda siya ng isa o dalawang taon sakin.

Siya siguro yung napapabalita sa buong Haven Acre World na pinaka batang Heneral sa buong henirasyon.

"Masusunod Heneral" ganting sigaw ng kanyang mga kawal.

Bigla nalang nila akong hinawakan sa magkabilang braso ko kaya nagpumiglas ako..

"Ano ba? Bitawan niyo ako" sigaw ko sakanila.

"Teka Heneral! Kaibigan ko si ate pakawalan niyo siya" Sabi ni tulips.

"Hindi maaari mahal na prinsesa! kailanman ay hindi nagkamali barrier na toh kung sino ang kalaban..napatunayan ng barrier na ito na isa siyang kalaban kaya mga kawal ihatid niyo ang prinsesa sakanilang silid" Sabi ng Heneral.

Gwapo nga masungit Naman! Hmp!

"Hindi!!! Ate ko!!" Sigaw ni Tulips.

Ngumiti lang ako sakanya para maipabatid na ayos lang ako.

Di manlang ako nakaramdam ng galit nung malaman kong isa siya sa mga taong inaasahan ko nung nangyari ang pangyayaring hindi ko malilimutan..

Isa siya sa mga maharlikang kinasuklaman ko noon ngunit bakit wala akong maramdamang galit sakanya?

Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni tulips na nakatingin sakin.

"Sumunod ka na sa sinasabi ng Heneral tulips" nakangiting sabi ko sakanya.

"Wala kang galang!! Prinsesa ang kinakausap mo kaya lumugar ka, isa ka lang mababang uri ng nilalang kaysa sa kamahalan" galit na sabi ng Heneral.

Tiningnan ko lang ito ng malamig. Tsaka bumaling ng tingin kay tulips.

"Ayos lang ako sumunod kana sa sinasabi ng ugok na toh" sabi ko kay tulips..naramdaman ko namang may tumapat na patalim sa harap ko.

"Wala kang galang!!" Galit na sabi niya.. kaya't tinaasan ko lang siya ng kilay..as if takot ako sakanya like duh.

Tumingin ako kay tulips tsaka tumango sakanya.

Nakita ko namang tumalikod na siya sakin tsaka nag-umpisa nang maglakad papasok.

Tumalikod narin ako at hindi na pinansin ang masungit na ugok.

"Teka di pa tayo tapos" galit na sigaw niya.

"Of course di pa tapos kasi wala namang tayo" ganting sigaw ko dito habang nagpapatuloy sa paglalakad palayo sakanila.

Narinig ko pa ang pagsipol ng mga kapwa niya ugok..

Pagkarating ko sa bayan agad akong pumunta sa tindahan ni Lola nakita ko itong may hawak na kung anong bagay.

Lumapit ako sakanya at doon napansin ang isang kwentas na may infinite shape at may mga violet diamonds at parang glitter na nakapalibot.

Ang ganda!! Gusto ko ang ganyang kwentas simple ngunit agaw pansin.

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon