Chapter 58 - •The Heart of HA World•

5.4K 166 5
                                    

*Sierra POV*

Labis labis ang galit na nararamdaman ko ngayon ngunit natutunan ko agad itong kontrolin para hindi na siya magaya ng nangyari saakin kanina..

Labis ang pagnanais ng puso kong wasakin at durugin ang walang hiyang Harriz na iyan..

Naalala ko ang nangyari kanina kay Heneral..at puno ng magsisisi ang puso ko dahil wala manlang akong nagawa..

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko..

"Wag kang mag-alala Heneral ko..ako ang tatapos ng lahat ng ito..hintayin mo lang ako.." sabi ko sa aking isip..

Ilang saglit lang ay nahagip ng mga mata ko ang lalaking kanina ko pa nais na patayin..

Alam kong kasalanan sa diyos ang pumatay ngunit sa kasing ganyan niyang kasama tao lang..di ako makokonsensyang patayin siya..

Siya ang dahilan kung bakit naghihirap ako ngayon..siya ang dahilan ng lahat ng kasamaan sa mundong ito simula palang nang isilang ako..siya ang dahilan kung bat nawala ang prinsepe at prinsesa ng Haven Acre World..siya ang dahilan kung bakit nagdudusa at naghihirap ngayon ang mga mamamayan ng mundong ito..

Kaya't marapat lang na buhay niya ang kapalit sa lahat ng kasakimang ginawa niya..

Agad ko siyang sinugod gamit ang Luxuria Swerden Sword na gamit ko..nakangisi naman siyang napatingin sakin hanggang sa mag ekis ang aming mga espada..nanggigigil ako ngayong patayin siya..

"Walang hiya ka..ako mismo ang tatapos sayo..pagbabayaran mo lahat ng kasamaang ginawa mo" nanlilisik ang matang sabi ko sakanya..tsaka siya tinulak at masamang tiningnan siya..

"Mahal kong Sierra..Di mo maaaring gawin yan..alam mo bang hawak ko na ngayon ang puso ng mundong ito..kapag winasak ko ito mawawala sa panahong ito ang existence ng mundong iniingatan mo..mabubura sa lahat ng libro ang pagkakakilanlan ng mundong ito..kaya't habang may panahon ka pa bibigyan kita ng pagkakataong bumalik sakin at pagharian natin ang mundong ito..kung ayaw mong mawala ito ng tuluyan at sama sama tayong mabura sa mundong ito" nakangising sabi niya..

Anong ibig sabihin niya?

Puso ng mundong ito?

May ganun?

"Batid kong di mo alam ang bagay na iyon mahal kong Sierra?" Nakangising sabi niya..

Binigyan ko lang siya ng seryosong tingin tsaka sumugod sakanya..

"Mamatay ka na!!!!!" Sigaw ko tsaka akmang sasaksakin siya ng bigla akong tumalsik dahil sa pag tama ng apoy galing sa bibig ng murk dragon..

Napadaing ako sa hapdi at napansin ang mahaba at malaking lapnos nito sa balat ko..nakita ko pang napangisi si Harriz..langya..

Ngunit bumalik lang rin ito sa dati..naghilom ito kaya't ako rin ang napangisi sakanya..akala mo ha!

Kinuha ko ang buong pwersang nanggagaling sa espada ko tsaka iyon pinatama kay Harriz at sa murk dragon..

Para itong kuryenteng ahas na naghahanap ng mapapatamaan nito..

Biglang sumabog sa dereksiyon nila at nabalutan ng hamog ang paligid dahilan para hindi ko makita kung naputuhan ba sila o hindi..

Ngunit nang mawala ang hamog laking dismaya ko dahil tinakpan pala ng murk dragon si Harriz para hindi ito masaktan..wala manlang kagalos galos ang murk dragon dahil narin sa matibay at makapal nitong balat..

Nagulat ako ng may isang malakas na atake ang nangyari at dumapo iyon sakanila..

Napatingin ako sa himpapawid at mula doon nakita ko si Limuxian dala ang libo libo niyang dragon na nasasakupan..

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon