Chapter 49 - •Clue of the Mission•

5K 162 5
                                    

*Sierra POV*

"Ate.....Kuyaaaaa" naiiyak na sabi ko sakanila..

Oh gosh...di ko maproseso agad ang mga nangayayari ngayon..

"Sierra?" Nagtatakang tanong ni kuya..at napatingin sakin..

Biglang nanlaki ang mata niya at gulat na tumingin sakin..

"Sh*t bunso..." sigaw niya saka nagmamadali ring bumaba sa hagdan..

Bago pa man makababa si kuya isang yakap na ang kumulong sakin..

"Oh gosh Sierra..I missed you" sabi ni ate habang yakap yakap parin ako ng mahigpit..

"Sierra!!"sigaw ni kuya sa likod tsaka yumakap samin ni ate..

"Ano ba wag kang dumikit samin..nakakasiwa yang mukha mo hmmp.." mataray na sabi ni ate sienna matapos niyang kumalas sa pagkakayakap sakin bago balingan si kuya diego na nakatingin din sakanya..

"Hon naman...Bunso sorry ah!! Nagsusungit yan kasi buntis" sabi ni kuya diego..

Wait! Buntis?

Gulat na nalalingon ako kay ate..

"Ikaw talagang hinayupak ka..ang chismoso mo letse..tara na nga Sierra" galit na sabi ni ate kay kuya tsaka hinatak ako..

"Di ba kayo babati sakin" nakangusong sabi ni mom..

"Oh! Hi mom.."nakangiting sabi ni ate sabay beso at yakap kay mom.

"Good morning mom" sabi naman ni kuya sabay beso kay mom..

"A-ate k-kayo----" gulat ko paring sabi habang nakaturo sakanila ni kuya..

"Oo bunso..ako ang ama hehe.."nahihiyang sabi ni kuya habang nakahawak pa sa batok..

"Let's go..it's already lunchtime" sabi ni mom at nagpatiuna na sa dining table..

Sumunod naman sila habang ako gulat paring nakatingin sakanila..ilang saglit lang sumunod narin ako sakanila..

My heart..is full of joy..

Lalo nat nakasama ko na si mom, ate at kuya..kulang nalang si lola, kambal at dad..

Nagkwentuhan lang kami sa dining room hanggang sa matapos kaming kumain ay inihatid ako ng isang katulong sa kwarto ko..

Pagkahiga ko di mawala ang ngiti sa mga labi ko.

Sa wakas unti-unti nang bumabalik saakin ang mga taong siyang bubuo ulit sakin..siyang magbibigay ulit ng pag-asa sakin..

Bigla kong naisip ang kasabihan kanina..

'The North say's you are powerful in your own, The Central tells, you are you in between different situation..The Continent choose you to be their savior......."

The North..

In between..

The Central..

The Continent..

Bigla akong napabangon nang maisip ang clue na sinabi..

"Azul" pagtawag ko dito..

"Yes master" sabi nito..

"Bring me the map of this world..tell me it's continents" seryosong sabi ko sakanya..

"Masusunod master" sabi nito sabay yuko at nawala nalang bigla..inisip ko ang mga clue na iyon..

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon