Chapter 14 - •Official Student•

6.5K 214 5
                                    

*Sierra POV*

Today is the day I've been waiting for..

Makakabalik narin ako sa wakas..but to think na makakauwi na ako di ko magawang maging masaya ng lubusan..

Nakauwi ako ngunit si Lola hindi..and hindi ako nandito dahil makakauwi na ako ng matiwasay nandito ako dahil may kailangan akong gawin na buong buhay kong hindi pa nagagawa.

Nasa bisig ni Heneral si baby girl na natutulog sa buong magdamagan naming biyahe.

Kasunod si Luna na masayang nakatingin sa paligid..heto kami at nasa harap na ng Winter Magical Academy..I remembered our first encounter here, that General and that two princesses..parang ayoko nang tumuloy baka mamaya makita ko na naman ang mga yun.

Nagtuloy tuloy kami hanggang sa mapunta kami sa harap ng barrier nila..unang pumasok si Luna at himalang hindi ito tumunog sumunod di Heneral at Baby Girl ngunit ganun din..nag-aalang isip ako kung papasok ba ako o hindi dahil alam ko na ang kakalabasan nito.

Napatingin sila Luna at Heneral sakin nang mapansin nilang hindi pa ako pumapasok..

"What are you doing? Come inside" seryosong sabi ni Heneral.

Huminga muna ako ng malalim tsaka tiningnan ang barrier..

Ok I can do this..

Nag-umpisa na akong humakbang at nakapikit matang pumasok ako ng barrier..

Nagtatakang napamulat ako dahil hinintay kong tumunog ito ngunit wala..hmm wierd.

Napansin kong nagtatakang napatingin sakin sila Luna at Heneral ngunit pinagwalang bahala nalang nila iyon at nag umpisa nang mag lakad palapit sa napakataas na gate ng academy.

Finally!! Nandito na ako! Ang pinangarap kong paaralan noon..about kamay ko na ngayon.

Bigla itong nagbukas ng kusa tsaka kami pumasok..tumambad samin ang mahabang daan at mga puno bago makita sa dulo ang parang kastilyong paaralan.

Napatingin ako sa paligid sapagkat ang dinadaanan namin ay tinatabunan ng mga dahon ng puno upang di kami masikatan ng araw..kakaibang mga puno rin ito dahil natatangi ang kulay nito..

Ang dahon nito'y Lila at ang bunga nito'y kulay rosas..napakagandang pagmasdan..

Sana pala noon ko pa pinasok ang ganitong kagandang lugar.

Naglakad kami hanggang sa mapadpad kami sa isang napakagandang disenyo ng fountain..nakadisenyo ito sa isang dragon na siyang bumubuga ng napakaraming tubig.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa mapunta kami sa napakalaking pinto ng akademya..

Nasa gitna ng pintuan ang simbolong ng paaralang ito..lumapit ako dito tsaka hinawakan ang gintong pinto nito..

Bigla nalang nagbukas iyon at tumambad samin ang mga estudyanteng nakakalat sa paligid at may kanya kanyang ginagawa.

May iba na nagpapalabas ng kapangyarihan, may iba na nasa ere, may iba na nakasakay pass walis, may iba na nagbabasa, may iba na nag uusap usap.

Pumasok kami hanggang sa bigla silang napatingin samin..puno ng pagtataka ang kanilang mga mukha.

"Sino yung guy?"

"Grabe nakakatakot siya"

"Tingnan niyo nakamaskara siya!"

"Ano kaya ang  nakatago sa likod ng maskara nito?"

"Sino ba sila?"

"Yuck, nerd"

"Ang ganda nung isang kasama nila pare oh"

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon