Chapter 18 - •The Feeling•

6.2K 202 12
                                    

*Sierra POV*

Papunta na kami ngayon sa room..and gladly pumayag si headmistress na siya muna ang magbantay pabor naman yun sakanya kasi parang stress reliever daw niya ang mga bata Kaya walang pag aalinlangang pumayag agad siya.

And now we're heading to our room at katabi ko ang dalawang Heneral na seryoso at tuwid lang sa unahan kung tumingin..

Problema ng dalawang toh?

Nauna na ako sa kanilang maglakad para akong may mga kasamang pipi na sobrang tahimik pero sa di inaasahang pangyayari nadulas ako at babagsak na sana sa sahig ng bisig ng kamay ang sumalo sakin.

Napatingin ako kung sino Ito..

"Next time, Be careful" seryoso niyang sabi sabay tayo sakin at bumitaw..

It's Heneral Magnus...

~dug dug~ ~dug dug~ ~dug dug~

I don't know why I feel something towards what happen..maybe it's a late reaction of what happened but I feel something..bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Tssk..let's go" seryosong sabi ni Heneral Atticus..tsaka kami nilagpasan..

Sumunod naman kami sakanya..

Pagkapasok namin biglang tumahimik ang room..

Knowing na for royalties lang ang room naging sobrang tahimik nito nung dumating kami..

Anong nangyari naman sakanila?

Naglakad ako papunta ng sa katabing upuan ni Luna..napansin ko namang sumunod sakin ang dalawang Heneral ngunit nasa huling row sila.

Nasa second to the last row kasi kami.

Naupo sa likod ko si Heneral Atticus habang sa likod ni Luna si Heneral Magnus.

Halata namang kinikilig tong katabi ko..hay nako.

Ilang sandali lang ay dumating na ang guro namin..

"Good morning class!Nabalitaan kong may bago kayong kaklase, mind introduce yourselves please" sabi nito.

Tumayo si Luna tsaka nagpakilala sumunod naman ako at panghuli si Heneral.

"For those who don't know me, I'm Ms. Jonna Fier your history teacher, you may take your seat" Sabi nito tsaka nagpakli ng pages sa libro nito.

"I'm going to tackle about the history after the war happened many years ago, matapos ang digmaan naging payapa ang buong Haven Acre World..ngunit sa di inaasahang pangyayari ilang linggo matapos manganak ni Queen Goddess Winter sa kambal nito isang pagdiriwang ang naganap ..na siya namang pagkawala ng kanyang kambal..walang may nakaka-alam kung sino ang kumuha o kung buhay pa ang kambal..Hindi rin ito matuklasan ng mga may abilidad na kayang bumalik sa nakaraan hindi rin ito masagot ng book of secrets ang tanging hinihiling nalang ngayon ng Hari at Reyna ay sana buhay pa ang kambal nito at nasa mabuting kalagayan" malungkot na sabi ni Prof. Fier..

Naramdaman ko naman ang pagkalungkot ng ibang royalties..siguro ay apektado din sila sa nangyari sa kambal.

Nasaan naman kaya ang kambal na yun?

Napatingin naman ako kay Luna na nakayukong nakikinig.. napatingin din ako kay Heneral..ang seryoso niya ngayon..parang may something sa mga mata nito.. napatingin din ako sa isa pang Heneral na nakatingin sakin.. naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko..kaya't napaiwas ako ng tingin dito..napabalik ang tingin ko kay Heneral na ngayon ay nakakunot-noong nakatingin sakin kaya't napayuko ako tsaka humarap sa pisara..ang seryoso nila masyado.

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon