Chapter 17 - •Royalties•

6.3K 204 11
                                    

For those readers na nag request na maupdate ulit ako today..well guys dahil lablab kayo ni Author here are the next chapter kaya't mag-saya kayo charot... don't forget to comment for some feedbacks or opinions, vote and follow..love lots 😘

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Sierra POV*

"Ate Sierra!!!!!!!" Sigaw ni Tulips..tsaka tumayo sa kinauupuan nito at patakbong lumapit sakin.

"Sierra!!!" Sigaw naman ni Cora..tsaka tumakbo rin palapit sakin..

Oh ohhww!!

Sabay nila akong niyakap ng mahigpit dahilan na napangiwi ako sa ginawa nila..

"W-wait!! I can't breathe" nahihirapang sabi ko dito.

"Ohww sorry" Sabi naman ni Cora..ngunit si Tulips nanatili paring nakayakap sakin.

"Hoy! Tama na ang yakap di na makahinga si Sierra sa ginagawa mo" sabi ni Cora..sabay hatak kay Tulips.

"Eh!! Ate mabuti at nakapasok ka na dito hehe!! May isa kasi diyan na nakakamiss na sayo" napahagikgik pang sabi ni Tulips.

Nakakamiss? Sino naman?

"Wag ka ngang maingay diyan" pagsaway naman ni Cora kay tulips..
We
Nagbangayan pa sila hanggang sa tumahimik na ang buong dining room ..napansin ko namang nakatingin lang samin ang ibang mga royalties.

"So! Ikaw yung Sierra na laging bukambibig ng mga yan?" Tanong ng isang lalaking may pulang buhok na may blend na flame blue linings.

Hindi ako sumagot sakanya tsaka tiningnan lang siya..ang seryoso niya masyado..

"Ang ganda pare!!" Sabi naman ng isang may gray na buhok with a blend of white linings.

"Wag ka ngang ganyan kuya! Ate Sierra wag kang maiinlove sa playboy na yan sasaktan ka lang niyan" Sabi ni Sierra sakin..nako naman tadhana nga naman magkapatid pala sila.

"Wag ka ngang ganyan bunso sinisira mo image ko sakanya eh! Hi Miss beautiful" Sabi nito sabay tayo at lumapit saakin akmang kukunin na sana nito ang kamay ko ng may humarang sakanya..

Napaangat ang tingin ko at napansin na ang dalawang Heneral ang siyang humarang sakanya..anong ginagawa ng dalawang Heneral na ito?

"Mommy!!!!!!" Sigaw ni Baby Girl tsaka tumakbo palapit sakin..galing kasi sila ng kusina ni Luna...may door kasi na nakakonekta sa dining at kusina.

Tumakbo palapit sakin si baby girl tsaka nagpakarga..

"Teka Mommy?" Nagtatakang tanong ni Tulips.

Napatingin naman ang lahat sakin kaya napayuko nalang ako..buti nalang at nagsalita si Luna para mawala ang atensiyon nila sakin.

"Oh your all here na pala?" Nakangiting tanong ni Luna sa mga royalties..

"Kala ko ba si Laxus ang nagluluto doon?" Nagtatakang tanong ng isang babaeng may blue na buhok na may blend na mint green linings.

"Ano pa ba! Nagpuyat siguro kababasa ng mga new recipe niya" Sabi ng lalaking may blonde na buhok..

"Morning guys!!" Sabi ng nasa likod namin na humihikab pa itong pumasok ng dining room.

"Speaking of the devil..here he goes" malditang sabi ng babaeng may may blonde ang buhok with a blend of violet linings.

Napatingin samin ang bagong dating at nagtatakang tumingin sa mga kasamahan nito.

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon