Chapter 9 - •Baby Scarlet•

7.4K 220 1
                                    

*Sierra POV*

~Kinabukasan~

"Gising na Sierra" Sabi ng kung sino kaya't napamulat ako..si Luna lang pala.

"Mamaya na Luna madilim pa oh" Sabi ko sakanya..

"Di pwede! Ngayon na sisimulan ang training mo! Wala narin dito ang lola mo" Sabi ni Luna..napabangon naman ako sa narinig..wala si lola?

"Asan si lola?" Kinakabahang tanong ko sakanya.

"Kasi...." Pabiting sabi ni Luna..asan ba si lola? Malaman ko lang na may ginawang masama si lalaking dilim ako mismo papatay sakanya.

"ANO?" Sigaw ko sakanya.. sorry kung nasigawan ko siya but si Lola na ang pinag-uusapan dito.

"Kasi habang pansamantalang bihag siya dito... napagdesisyonan ng pinuno na ipadala siya sa dark room kung saan nandoon ang mga kagamitang pang experimento at pagawaan ng mga potions since may alam ang Lola mo sa mga iba't ibang klaseng potion." Mahabang pahayag niya..nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig..buti nalang nasa ligtas na kalagayan si lola..ay Mali hindi pala kami ligtas sa lugar nato.

Hindi na ako nagsalita saka bumangon na at pumunta ng banyo..

Matapos kong maligo lumabas ako ng banyo at di ko na nakita si Luna sa loob siguro ay lumabas na.

Nag-ayos na ako ng aking sarili saka lumabas ng kwarto.

Naglakad ako sa tahimik na hallway grab nakakatakot..parang anytime may susulpot na multo knowing na madilim na nga ang lugar na toh madilim pa rin sa labas.

Dahan dahan akong naglakad..Teka? Saan nga ba ako pupunta?

Nako Naman! Asan na kaya si Luna? Baka maligaw ako!

Tumingin tingin ako sa paligid tsaka sinilip ang mga kwartong nadadaanan ko.

Napahinto ako at napatingin sa isang kwartong nagliliwanag..anong meron sa loob?

Pinihit ko ang pinto..sisilip na sana ako ng may humawak sa damit ko at pwersang inilayo ako sa kwartong iyon.

"What are you doing here?" Tanong ni...Heneral Atticus.

"A-ah kasi a-ano....." Utal na sabi ko.

"Don't ever dare to come back here again or else I'll kill you with no mercy" malamig na sabi niya..

Tila nanindig ang balahibo ko sa narinig..huhu so scary..

"Daddy what are you doing" Sabi ng isang cute na tinig..

Napatingin naman ako sa bata..and to my notice.. she's....she's so beautiful and really cute..I think nasa 4 or 5 years old na siya.

"N-nothing baby!! I was just---"

"Mommy!!!!!!" Sigaw ng Bata saka niyakap ang binti ko..

Oh my!!! Mommy ba kamo? Huhu kailan pa ako nagkaanak? Sino ang ama? Hala? Baka nagka amnesia ako tsaka nakalimutan ko ang ala-ala ko sa anak ko! Isa akong suwail na ina!

Anyways back into reality..

"Mommy! I miss you" Sabi niya saka tumingin sakin..

Lumuhod ako sa harapan niya.. nakangiting nakatitig siya sakin.. napatingin naman ako kay Heneral Atticus na seryosong nakatingin samin..napalunok naman ako dahil sa kaba..

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon