Chapter 3 - •Strange Guy•

9.2K 287 6
                                    

*Sierra POV*

Pagkarating namin andun na sa labas ng bahay niya si Lola Rita..

"La! Mano po" Sabi ko sabay kuha ng kamay niya saka nagmano.

"Mano din po Lola hehe" Sabi ni--- di ko pa pala alam ang pangalan niya.

"Bat di mo sinabing may kaibigan kana pala Sierra?" Tanong ni lola.

Kaibigan? Ever since I was young wala akong naging kaibigan.

"Di ko yan kaibigan noh?" Sabi ko kay lola.

"Ouch idol! You hurt my feelings you know" Sabi niya.

"I don't care" Sabi ko sabay pumasok sa loob ng bahay ni Lola..napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko may sinabi si lola dun sa estudyante ng WMA.

"Intindihin mo nalang yang malditang apo ko ha!! Laging may dalaw eh" sabi ni Lola kay--- ewan ko kung sino siya..

"La!!!!!!" Galit na sigaw ko.

"Oo na Oo na ikaw na may dalaw nako!! Buti nalang at matanda na ako! Di ko na mararanasang mag-iba ng ugali pag may dalaw" maarteng sabi ni Lola.

"La!! Isa!" Sabi ko.

"Alam mo bang madaming manliligaw yan ngunit wala ni isang nagtagumpay na makuha ang puso niya" chismis pa ni Lola..so ganun close agad sila? Kung makalingkis si lola sa braso ng babae parang matagal na silang magkakilala. Hmmp..

"Talaga Po?" Gulat namang sabi ng kausap nito..naniwala naman.

Nako naman sana pala hindi ko na sinama ang babaeng toh! Dalawa na silang maingay sa bahay na toh.

"Dalawa!!!" Patuloy ko sa pagbibilang.

"Alam mo rin bang may hinihintay yan! Na love at first sight siya eh!" Sabi pa ni Lola.

Sige la! Chismis pa grabe parang hindi ko sila naririnig note the sarcasm there.

"Oh my! Talaga Po? Gusto kong makilala kung sino ang bumihag sa puso ni ate idol" nakangiting sabi niya kay Lola sarap punitin ang labi kung makangiti hanggang tenga.

Magsasalita na sana ako ng unahan ako ng babaetang ito.

"Tatlo hehe" Sabi nito kaya't sinamaan ko ito ng tingin.

Napa peace sign nalang siya habang nakangiti ng wagas..

"Oh siya siya ilagay niyo na muna ang mga gamit niyo sa kwarto ng makakain na tayo" Sabi ni Lola saka pumunta na nang kusina.

Naglakad na ako papuntang kwarto ko dito sa bahay ni Lola.

Dati kasi pag tinatamad akong umuwi sa bahay dito ako muna namamalagi kaya't may kwarto ako dito sa bahay ni Lola Rita total mag-isa nalang siyang naninirahan dito..

Ewan ko ba kay Lola Rita naging matandang dalaga nalang siguro hindi nakahanap ng kaforever niya..

"Ate idol sabay po ba tayong matutulog?" Nakangiting tanong nito sakin.

"Sa sahig ka matulog Ms." Sabi ko dito.

"Tulips! My name is Tulips Mae Aero" nakangiting sabi niya.

Aero? Familiar!

Narinig ko na toh eh? Saan ba? Hmm nevermind.

"Sierra halina kayo kakain na tayo" Sabi ni Lola Rita..kaya nagmadali na kaming kumilos tsaka pinahiram ko muna siya ng damit ko.

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon