Chapter 2 - •WMA•

10.6K 296 6
                                    

*Sierra POV*

Naglakad na ako papalayo sa kuwebang pinaglagyan ko kina Nanay.

Mula sa kinatatayuan ko makikita mula dito ang paaralan ng mundong ito ang Winters Magical Academy..

Kahit nasa malayo makikita mo kung gaano ito kagara na parang naghuhumiyaw ng karangyaan at lakas ng kapangyarihan.

Makikita kung gaano kalakas ang mga estudyante naroon sa tindig palang ng eskwelahan at sa makapal na barrier na nakapalibot doon.

Dati pinangarap kong pumasok sa academyang iyan..

It's my dream although parang pang-elite na ito..ang mga nakakapasok nalang sa eskwelahan na yan ay mga maharlikang tao..mga taong may posisyon sa lipunan.

I think the royalties didn't know that.

Pinangarap kong makasuot ng magagara nilang uniporme..yung malinis at walang gusot.

Makikitang sa tindig palang ng estudyante naghuhumiyaw agad ito sa taas ng estado sa buhay.

Minsan na kasing bumibisita ang mga ito sa bayan at na tityempohan naman iyon na nagpupunta ako ng bayan..

Dati nung nabubuhay pa sila nanay tumatakas ako at sumisilip sa mataas na gate ng academy.

Mga nagliliparang dragon..na kay gandang pagmasdan mula sa malayo.

Nakakaingit lang..dati naman kahit mahirap ka makakapasok ka parin sa school na yan..but now argghh nevermind.

Nang makapunta ako ng Central City nakita ko agad si Lola Rita ang natitirang taong tumanggap sa kung sino ako.

"Oh? Anong nangyari? Bakit nag alsa balutan ka?" Takang tanong ni Lola.

"Pinalayas ako ng pinuno sa nayon La! Aksidenteng natitigan ko ang asawa niya kaya naging bato ito" Sabi ko dito.

"Hay nako oh siya, ilagay mo muna yang mga gamit mo dito ikaw na muna ang magbantay dito may aasikasuhin lang ako" Sabi nito..tumango nalang ako saka ako ang pumalit sa pwesto nito.

"Mga Suki!! Bili na kayo Jan!!" Sigaw ko..

Well ang ibenebenta kasi ni Lola Rita ay mga kakaibang kagamitan meron pang mga potions, mga espada at mga inembento niyang ewan ko kung anong tawag nun.

Dahil sa matumal ang benta nagpahinga muna ako..sumakit yung lalamunan ko kakasigaw.

"Magnanakaw, Hulihin niyo ang magnanakaw" sigaw ng isang babaeng mula sa Winter Magical Academy.

Kinuha ko ang paborito kong armor na ibenebenta ni lola.

My baby!! Latigo.

Ito kasi ang mabilis maka attack sa kalaban isang hampas lang boom! K.O

Hindi kalayuan sakin ang magnanakaw agad kong inihagis ang latigo ko na agad pumulupot sa leeg ng magnanakaw.

It's not an ordinary Whipping.
Parang may sariling isip din ito..Kaya walang problema sakin.

Hinablot ko ang latigo dahilan ng paglapit nito sakin saka isang malakas na side kick ang ibinigay ko sakanya nagpaikot ikot na nakahiga ang lalaki hanggang sa bumagsak na ito sa lupa.

Tsk. Easy!

Bata palang ako pinag-training na ako nila Nanay Nely tsaka tatay Lito..

Dahil sa pareho silang nakapasok noon sa Winter Magical Academy ibinahagi nila samin ni kuya ang kanilang natutunan sa paaralan na yun..kaya nga lagi akong tumatakas sa training at sumisilip sa gate ng academy at nangangarap na balang araw makakapasok din ako dun.

Kinuha ko sa magnanakaw na ngayon na namimilipit sa sakit ang bag na ninakaw nito saka ibinigay sa babaeng estudyante ng WMA.

"Here!" Malamig na sabi ko dito.

As always!! I'm cold to everyone!! Ngumingiti lang ako pagkaharap ko sina nanay, tatay kuya, at Lola Rita..
My Family.

"Thanks idol your the best" Sabi nito.. naks idol agad.

I can't believe someone in WMA will call me like this.

Bumalik na ako sa pwesto ng mga benebenta namin ni lola saka inilagay ang latigo na kinuha ko.

Si Lola? Ewan ko dun! Hindi na bumalik..kaya't no choice ako ang magsasara ng tindahan niya.

"Paano ba kita mababayaran Idol?" Sabi nito!! Makulit pala ang isang ito.

Naalala ko tuloy si kuya sakanya..makulit din yun at maalalahanin..Kaya Mahal na Mahal ko ang kuya kong yun.

"Idol yohooo nasaang lupalop na ba ng Haven Acre World napadpad ang imagination mo" Sabi nito na nakapagpabalik sakin sa kasalukuyan.

"Ano?" Takang tanong ko.

"Imagination mo ang limit" Sabi nito..kaya't sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Hehe!! Peace tayo Idol" Sabi nito.

Pagabi naman na kaya't niligpit ko na ang mga gamit na ibenebenta ni Lola saka isinarado na ito kinuha ko naman ang mga gamit ko saka maglalakad na sana papunta ng bahay ni Lola Rita..kaso hinawakan ako ng babaeng ito.

"Ahm Idol pwedeng sa inyo nalang muna ako magaan naman ang loob ko sayo! Di na kasi ako makakapasok ng Academy..six ng hapon ang palugit nila sa mga estudyanteng lumalabas ng Academy bago saraduhin ang gate, eh malapit na kasing mag-six tsaka nasa Airollia kingdom pa ang bahay namin, actually nga nagmamadali talaga ako nun kanina pauwi ng Academy kaso yang magnanakaw kasi na yan!! Yun tuloy di na ako nakahabol sa curfew ng Academy, Kaya please idol kahit isang gabi lang." mahabang sabi nito..madaldal din talaga ang babaeng toh.

"Is that so?" Malamig na Sabi ko.

Tumango lang ito.

"Hindi pwede!" Sabi ko.

"Sge na idol, please!" Sabi nito sabay puppy eyes.

"Still No! N-O, No!" Sabi ko.

"Sge na, isang gabi lang naman" pangungulit nito.

"Marumi ang bahay namin" Sabi ko..mukha naman siyang anak mayaman kaya't alam kong may pagka maarte din ito.

"I don't care! Sige na" Sabi nito sabay puot.

"Maraming multo doon" pananakot ko..

"Wala akong Pake!! Kasama Naman kita eh kaya okay lang! Safe naman ako kapag kasama kita" nakangiting sabi nito.

Napabuntong hininga naman ako..Ang kulit talaga.

Ito last na toh!

"Di pwede! How can you easily trust someone like me..pano kung kalaban ako?" Sabi ko sakanya.

"Kung kalaban ka kanina mo pa sana ako sinaksak diba? At isa pa may tiwala ako sayo ate idol..alam ko namang hindi mo ako sasaktan" Sabi niya..Wala na makulit talaga..di manlang natinag sa mga pananakot ko.

"Okay" Sabi ko.

"Sure ka ate idol?" Sabi niya.

"Bakit ayaw mo? Di wag" Sabi ko.

"Yeeeeesssssssssssssss!!!!!" Sigaw nito..saka yumakap sakin.

"Bibitaw ka o iiwan kita dito mag-isa?" Babalang sabi ko.

"Bibitaw hehe" Sabi nito..napa-iling nalang ako..she's such a clingy girl.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at nag-umpisa na akong maglakad papuntang bahay ni lola.

Napansin ko namang nakasunod lang siya sakin habang nagtitingin-tingin sa paligid.

I guess hindi magiging tahimik aang pagtulog ko nito mamaya..

May kasama kasi akong makulit at maingay..

______________________________________________

Ms. Winter Rose

TLLGP 2: Return of the Legendary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon