*Launa Herrera*
"Okay class, I got bad news. Our pet hamster has died. It seems like it ate something bad." malungkot na sabi samin ni Teacher.
Kasabay nun ang pag iyakan ng mga kaklase kong mga babae.
Nag tayuan pa kami para puntahan yung cage nung hamster. Umaasa na hindi totoo yung sinasabi ni Teacher.
Pero..... wala na itong laman.
Napapaluha na din ako sa lungkot dahil isa ako sa mga ng aalaga dito.
"Ikaw ang may kasalanan nito." sabi nung isa kong kaklaseng lalaki sabay turo sa isa kong kaklaseng babae. "Nakita ko kayong apat na pinapakain nyo sya kahapon." at tinuro nya pa yung mga katabi nito.
Ah. Oo. Naalala ko na. Nung natapos ang klase namin ay silang apat nalang ang natira kasama ko.
Sila ay nakapalibot sa hamster at mukhang may pinapakain dito. Natuwa siguro sila dahil kahit anong ibigay mo sa hamster ay kinakain nito.
Nung matapos ko na yung pag ayos ko ng gamit ko ay sumilip ako kung ano ang ginagawa nila.
Hindi nga ako ng kamali. Pinapakain nga nila ito.
"Hindi ako yun." sabi nya. "Si... si Launa yun."
Huuuh?!
Sabay sabay ng tinginan sa akin yung mga kaklase ko.
Bakit ako? Samantalang wala naman akong ginawa.
"Oo. Si Launa yun. Sinabihan namin sya na wag nya pakainin pero sige pa din sya." segunda naman nung isang babae na kasama dun sa apat.
"Hindi ako yun. Wala akong kinalaman dyan." pag tatanggol ko sa sarili ko. Lalong ng tubig ang mata ko at napaiyak lalo.
'Bakit?... Lagi nalang.... Lahat sila...'
Bigla akong napadilat dahil sa vibrate ng phone ko.
Sheems... panaginip lang pala.
What a bad dream. Inabot ko yung phone ko at ino-off yung alarm.
Umikot ikot muna ako bago tuluyang bumangon. Well, hindi naman pala sya totaly a dream. Dahil totoong nag-yari yun.
Kelan nga ba? Ah. Nung elementary days ko. But for me, parang kahapon lang dahil I always dreamed about it.
BINABASA MO ANG
Just A Kiss
Short StoryThis story is about a girl named Launa. Ang tanging gusto nya ay ang makapag graduate sya ng high school sa Kobayashi High Academy ng tahimik at matiwasay. Si Launa yung tipo ng babaeng hindi palakaibigan at walang kibo. In short anti-social. Dahil...