*Launa Herrera*
Agad kong binawi ang kamay ko sa pag kakahawak ni Chase. Ewan ko ba. Medyo nailang kasi ako sa tingin ni Ethel e. Parang may something sa tingin nya.
"May plans na ba kayo? We're on our way to this new bowling spot dito sa mall. If you want, you two can join us." aya sa amin ni Mark.
"What do you think?" tanong naman sa akin ni Chase.
"Pe-pero diba mag papagupit pa tayo?" balik tanong ko sa kanya. Mukhang nakalimutan nya na kasi yung talagang purpose ng pagkikita namin.
"C'mon." cool na cool na sabi ni Ethel, agad naman akong napatingin sa kanya. "Kilala namin yung may-ari kaya libre tayo dun. It's such a waste if di nyo ma-try. At isa pa sabi nga nila, 'the more the merrier'." nakangiti pa nyang sabi.
"O-okay..." wala sa loob kong sabi. Pag tingin ko ulit sa kanya ay wala na yung ngiti nya at medyo mataray na ang tingin nya sa akin.
"Are you sure?" paninigurado pa ni Chase.
"Yeah."
*Ethel Carillo*
"Okay guys. Let’s match up against each other. Me and Ethel, You and Launa." sabi ni Mark. Sumang ayon naman sila Chase and that girl beside her. Wait, what's her name again? Oh, right. It’s Launa.
'Seriously Chase... why Launa, of all people? What the hell do you see in her?' sa luob luob ko habang nakatingin lang ako kay Launa na abala sa pag palit ng shoes for bowling.
Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko, si Mark pala. "Ako na ang mauuna." sabi nya at ng simula ng mag laro.
"Wasted," sabi ko dahil ni wala man lang syang napatumbang pin.
BINABASA MO ANG
Just A Kiss
Short StoryThis story is about a girl named Launa. Ang tanging gusto nya ay ang makapag graduate sya ng high school sa Kobayashi High Academy ng tahimik at matiwasay. Si Launa yung tipo ng babaeng hindi palakaibigan at walang kibo. In short anti-social. Dahil...