Chapter 16: The Game of a Player

106 5 0
                                    

*Ethel Carillo*

"I see."

"Yup. Ang usapan is kaming tatlo lang. But, you should come. You like Chase, dont you?"

"No way." tamad kong sagot sa kanya.

Nandito kami ngayon ni Ivo sa may roof top ng school. Dito ang isa sa mga paborito nyang tambayan. Tinext nya ako na puntahan ko sya dito dahil may sasabihin sya sa akin. And that is about going out with Chase and Launa Herrera.

Kaibigan ko si Ivo, nothing more, nothing less. Actually, he reminds me of... Allen. Handsome and he knows it, that’s why he knows how to play the game.

Well, we knew each other, but madalang lang kami mag sama. Yung tipong pag nasa mood lang kami pareho. Si Ivo kasi yung tipo ng taong mabait sa mata ng madami, lalo na sa mga babae. But once you mess with him, he'll drag you to hell. Kaya naman medyo iwas din ako sa kanya, lalo pa at minsan ay ako ang trip nyang landiin.

Ngayon, pinuntahan ko lang sya dito dahil saktong badtrip ako sa mga naririnig ko sa paligid regarding Chase and Launa. Tapos yun pala, ang sasabihin nya ay about din dun sa dalawang yun. Tss.

"Ano bang pinaplano mo?" I ask him.

"What do you mean? I'm just curious, and I want to congratulate him."

"Liar."

"What?" medyo natawa pa nyang sabi. "Well, as you know I don't have that many friends so I just keeping in touch."

"What kind of friends exactly are you referring too?" pang asar ko pa sa kanya. Kilala ko sya, at alam kong may hidden agenda ang pag aya nya kila Chase. ‘Friends’.

Friends? Right. Pag naaalala ko yung salitang yun lalo na kapag galing sa gaya ni Ivo ay hindi ko mapigilang hindi maalala ang panloloko sa akin nina Annie at Allen. Maging yung nang yari sa amin ni Chase...

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon