*Chase Zachary Parker*
"Oh? Nasan na si Launa?" tanong ko kay Ivo dahil pag balik ko sa table namin ay sya nalang ang mag isa duon.
"She left." sagot naman nya na parang wala syang pake.
"Ano? What do you mean she left?"
Napatingin ako sa pwesto ni Launa at sa gilid ng plato nya ay may pera. Paniguradong sakanya yun.
Napasimangot ako. Naiinis at naiirita. May idea na ako kung bakit sya umalis. At lahat ng reason ay umiikot lang kay Ivo.
Agad akong lumabas para mag bakasakaling maabutan ko sya. Ganun pa man ay kinuha ko na ang phone ko para tawagan sya.
"Launa... Launa..." tawag ko pa pag labas ko, ng babakasakali na nandun pa sya. (~*The subscriber cannot be reach. Please try again later*~). Tanging ang operator lang ang sumasagot sa kabilang linya. Pinutol ko na ang tawag. At ng iisip kung saan maaring pumunta si Launa.
Habang ng iisip ako ay naramdaman ko si Ivo na lumabas na din at nakalapit na sa likod ko.
"Ivo."
"What?"
"Did you say something to Launa?" seryoso kong tanong sa kanya. Alam ko naman na meron, pero gusto ko pa din kumpirmahin para alam ko kung pano ko kakausapin si Launa.
"Oh, yeah. Ang sabi ko lang naman sa kanya ay dapat maging mag-kaibigan din kami gaya nyo. But I guess hindi pa din pala sya sanay na makipag halubilo sa iba dahil talagang may deperensya sya. Siguro kaya din sya umalis. What a total weirdo." pigil pa ang tawa nya habang sinasabi sa akin ang mga yun. "Pero teka nga Chase, ano bang pake mo sa kanya? Madami namang ibang babae dyan na ng kakandarapa sayo. Who cares about that Launa?"
Napapikit nalang ako sa mga pinag sasabi nya. At onte onteng humarap sa kanya. Pag dilat ko sa kanya at nakita ko ang itsura nya ay lalo akong nainis. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko sya ng napakalakas.
BINABASA MO ANG
Just A Kiss
Short StoryThis story is about a girl named Launa. Ang tanging gusto nya ay ang makapag graduate sya ng high school sa Kobayashi High Academy ng tahimik at matiwasay. Si Launa yung tipo ng babaeng hindi palakaibigan at walang kibo. In short anti-social. Dahil...