Chapter 23: Top Ingredient, Love

78 3 0
                                    

*Launa Herrera*

"That's all for today class." sabi ng teacher namin at umalis na ng room.

Uwian na. Agad din namang nag tayuan ang mga classmate ko para lumabas. Tatayo na din sana ako nang biglang naramdaman kong nag vibrate ang phone ko.

May message. Kanino kaya galing.

>>> 

Mari Jasmin:

 

Good Morning Ate. Ito na yung pinangako ko sayong recipe. It’s basic, so I know you can handle it.

Recipe:

Flour - ***g

Eggs - *pcs

Unsalted Butter - **g

Sugar - **g

How:

- Sift flour

- Soften butter in microwave, but don't melt it.

 

 

PS: Don't ever dare to feed my brother anything weird, or else!

<<< 

Napangiti ako after ko mabasa ang text sa akin ni Mari. Ang sweet nya diba, talagang may PS pa sa dulo, di naman mashadong halatang binabantaan nya ako. ^_^

Naalala ko tuloy yung iba pa naming napag usapan after nung madramang session namin. Well, dahil sa session na yun ay gumaan ang luob nya sa akin. At syempre masaya ako dahil duon. Sa sobrang gusto nya na sa akin ay sya pa mismo ang humingi ng number ko just to text me now and then. And like she texted me earlier, nangako din sya na tuturuan nya akong mag luto at bake nang kung ano ano.

Syempre nung una ayaw ko, kasi I already lost my hope on cooking dati pa. But mapilit sya, and seriously how can I resist such a cute little girl. Plus na dun na kapatid sya ni Chase. Kaya pumayag na din ako bago ako umalis sa kanila nun.

Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na din ako ng room after ko mag reply ng 'salamat' kay Mari.

Pag labas ko ng room ay napansin kong wala si Chase na nag hihintay. I guess may inutos nanaman sa kanya yung teacher nila. Yan kasi, mashadong mabait kaya di makuhang makatanggi. Hindi sya student president, wala din syang member ng kahit anong club, pero sadyang sikat sya sa buong academy at dahil yun sa unlimited nyang kabaitan at kagwapuhan.

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon