Chapter 22: His The Reason

110 5 0
                                    

*Launa Herrera*

"I told you, nothing happened." kanina pang sabi ni Chase sa kapatid nyang ilang beses atang inire ng nanay nila.

Nung nakita nya kasi yung pwesto namin ay halos mag wala sya. As in halos mag lumpasay sya, at kung ano ano ang lumalabas sa bibig nyang made in US ata dahil kahit sa tagalog ay slang sya.

Tssk. Cute pa naman sya, kaso may anghang ang ugali nya. Di gaya ng kuya nya... gwapo... mabait... laging magaganda ang lumalabas sa bibig at... at... teka nga! Bakit ba biglang dun napunta ang isip ko.

Nako naman Launa, onte onte na ata talagang ng babago ang takbo ng isip ko. Yung tipong hindi gaya ng dati na sarado sya. Ngayon parang laging naka-connect sa Wi-Fi ang utak ko bente-quatro oras.

Maging ang category ng story na ito ay hindi na 'short-story' kundi pwede na din maging 'humor' dahil sa kung ano anong sinasabi ng utak ko. Pag pasensyahan nyo na ako, nakatira na kasi ako lately ng gamot, Chase ang pangala. Haha!

Korny ko na. Balik na nga tayo sa mag kapatid na till now ay ng babangayan pa din.

"Liar! You two are like- like-" giit pa din ni Mari.

Huminga ng malalim si Chase, "Listen... you're just confused." mahinahon nyang sabi.

"I am not." sabay yuko para iwasan ang tingin sa kanya ng kuya nya. Maya maya'y, "Don't get ahead of yourself! I'll never accept you as my brother's girlfriend!" sigaw nya sa akin.

"Mari! Sinabi ng tama na!" seryosong sabi ni Chase na nag patigil kay Mari. Halatang galit na din ito. "Now, apologize."

Yumuko lang sya, "No." mahinang sabi nya pero sapat para marinig namin.

"Then get out and think about what you did just now."

Nakayuko at tahimik lang sya. Maya maya ay tumayo na sya. At biglang tinulak si Chase sabay takbo sa pinto para lumabas na.

Kitang kita ko sa mata ni Mari kanina ang galit. Pero bakit naman sya magagalit sa akin? E ngayon pa lang kami nag kita. At ganun na ba talaga ang hindi ko pag kabagay kay Chase para hindi nya yun matanggap? Tssk, kung ano ano nanaman ang iniisip ko.

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon