Chapter 7: The King of Perv

181 7 0
                                    

*Launa Herrera*

 

 

Kinabukasan pag pasok ay naintriga ako kung sino ba yung Lily na tinutukoy ni Jolie. Kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili kong mag lakad lakad sa hallway malapit sa classroom ng mga taga 2-A. Nag babakasakali na makita yung Lily.

At hindi nga ako nabigo. Agad ko syang nakita sa hallway na may kawentuhang mga babae.

'So she's Lily... magandan nga talaga sya, no dought about it. Para syang buhay na barbie.' Sabi ko na nga ba na complete opposite kami.

Hindi ko alam kung gano ako katagal na nakatitig sa kanya pero bigla syang napatingin sa akin. Kaya naman sa gulat ko ay hindi agad ako nakapag iwas ng tingin.

Agad din naman syang ng bawi ng tingin at mukhang ng paalam na sya sa mga kausap nya para umalis.

Aalis na din sana ako kaso bago ako bumaba ng hagdan ay nakita kong kausap na nung Lily si Chase. Kaya naman kahit ayaw kong makita na mag kausap sila ay pinanuod ko pa din sila habang ng uusap.

Sabi ko na nga ba at may lahi akong masokista e. Matanong nga kay Mama kung kanino ko namana yun. Tsk.

As I watch them, napaisip ko kung may gusto pa din kaya si Chase kay Lily... And if so, inaamin ko sa sarili ko na I don't like it.

Kahit pa na may dahilan kaya nya hinalikan, ginawa pa din nya yun ng walang pasabi! Tapos malaman laman ko na itong si Lily hindi nya magawang halikan kahit pa na mukhang may gusto din naman si Lily sa kanya! Tsk!

Siguro nga mashadong importante si Lily sa kanya kaya sobra ang pag galang nito. Siguro nga mahal nya talaga si Lily kaya ganun.

Dahil sa naisip ko na yun ay hindi ko napigilan na mapahigpit ang hawak ko sa folder na nasa kamay ko.

'Siguro nga everyone except for that girl doesn't matter to him.' Ouch naman!

Naiinis ako! Sa inis ko ay lakad lang ako ng lakad, and I end up, sa cr. Tsk. Nag hugas nalang ako ng kamay. Habang tumingin ako sa paligid. Ako lang mag isa.

"Ano ka ba naman Launa, pwede ba tigilan mo na yang ginagawa mo!" I burst out dahil sa sobrang inis. "Pero... na-ccurious ako sa kanila, lalo na kay Chase."

Maya maya ay may narinig akong ng uusap na palapit. "Nakakainis na talaga yang Jolie Lopez na yan nuh girl." sabi nung isang boses ng babae.

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon