-Athena
Nanatili ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kawalan..sa mga sandaling iyon ay nagtatalo ang puso at isipan ko..sa mga sandaling iyon ay sunod-sunod ang mga katanungan na nabuo sa utak ko.sino nga ba ang totoo sa paligid ko?sino nga ba ang dapat kong paniwalaan?sino nga ba ang may itinatago?may dapat ba akong panigan?o baka naman dapat ko nalang itong isantabi at kalimutan..dahil kahit ako man sa sarili ko ay nagpapanggap lang..
Sa Ngayon mas makabubuti muna sigurong isantabi ko muna ang lahat ng mga gumugulo sa aking isipan..mas pinili ko munang isantabi dahil para na rin sa ikabubuti ko..pero di pa din maaalis-alis sa sistema ko yung mga makahulugan at matalinghagang sinabi ng lalaking nasa katauhan ng isang Seth Buenavista..
------------------
Di ko namalayan ang paglipas ng mga oras...nakatingin pa din ako sa kawalan ng mapagpasyahan kong tunguhin ang isang lugar na madalas kong pinupuntahan noong mga panahong di pa ramdam o nakikita ng mga tao sa paligid ko ang presensya ko..sa isang lugar na kung saan ay madalas kong makita na tumatambay si lance at palihim o panakaw ko syang pinagmamasdan mula sa malayo...noon pa man ay malaku na ang paghanga na nararamdaman ko para kay lance.pero kinailangan kong isantabi iyon dahil alam ko na kahit kailan ay di nya ko mapapansin..kung sabagay sino nga naman ang magkakagusto sa pangit kong itsura noon..sino ba naman ang may lakas ng loob na kayang sikmurahin ang pangit kong anyo..ni kaibigan nga wala ako..magmamahal pa kaya...
Nakarating ako sa library habang ang utak at isip ko naman ay nakalutang sa kung saan..marahan at tahimik akong naglakad patungo sa lalagyan ng mga aklat upang kumuha ng mababasa ko ng bigla akong makarinig ng kakaibang ingay na nagmumula sa dulo ng
pasilyo ng library na ito..na curious ako at hinanap ang pinanggagalingan ng ingay..dahan dahan ako sa paghahakbang ..ng bigla akong natigilan sa narinig kong binanggit na pangalan..
"Lancce.,babe..dahan-dahan lang.,.baka may makarinig sa atin..mahalinghing at tila ba umuungol na sabi ng bosws ng isang babae..
Lance?!napaisip ako at kinabahan..bumilis ang tibok ng puso ko at bigla akong pinagpawisan..si lance kaya na tinutukoy ng babae ay possibleng si lance na kasintahan ko?!naguguluhan na tanong ng utak ko..sa mga sandaling iyon ay biglang lumitaw sa aking isipan ang mga sinabi ni Seth sa akin kanina..
"Wag kang masyadong naive athena.buksan mo ang mga mata mo.baka sakaling makita mo ang katotohanan na noon pa man ay nakasalansang na sa harapan mo.
Paulit-ulit ang mga salitang iyon sa utak ko..paulit-ulit na bumubulong sa akin..
"shit!malapit na ko..,naririnig kong daing ng isang pamilyar na boses ng lalaki..
Napaupo ako at Napakapit ako sa estanteng nasa likuran ko.habang unti-unti ang pagtulo ng luha ko..patuloy ang paghikbi ko sa mga oras na yun..sa mga oras na yun ay napagtanto kong niloloko nga ako ni lance..
Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko sa mga oras na yun..wala akong maramdaman sa mga oras na yun..dahil sa mga oras na yun ay manhid na at durog na ang puso ko..
Patuloy lang ako sa paghikbi...habang patuloy ang mga ungol at kaluskos sa aking likuran..patuloy lang ako sa paghikbi. Dahil alam ko sa sarili ko na wala akong karapatan..
Sa patuloy na pagpatak ng mga luha ko..di ko namalayan ang malalakas na kaluskos at hakbang papalapit sa kinauupuan ko.nagulat nalang ako ng bigla kong makita sa aking harapan si Lance at si Margaux na bestfriend ni Athena..
"Ath..Athena?nabubulol na panimula ni Lance habang agad nyang binitiwan ang kamay ni Margaux at dahan dahan lumapit sa kinauupuan ko..
Hindi ako sumagot..wala akong maisasagot.wala..pilitin ko mang mag-isip ng masasakit na salita na maaari kong ibato o isumbat sa kanila ay walang rumirehistro ni lumalabas sa bibig ko..
"Mag-usap tayo Athena..nagmamakaawang sabi ni lance habang iniaabot nya ang mga kamay ko..
Nakatitig lang na tila ba nanonood lang si margaux sa nangyayari sa harapan nya.napatitig ako sa kinatatayuan nya at di ko makita ni maaninag ang konsensya na dapat ay nadarama nya..
Inialis ko agad ang aking paningin kay margaux at dali-dali akong tumayo sa pagkakaupo ko.
"Tapos na tayo lance..madiin at galit kong sabi kay lance..
"Mali ang nakita at pagkakaintindi mo.athena..depensa at mangiyak-ngiyak nyang sagot habang nakahawak sya sa braso ko..
"Just let her go..lance.biglang singit ni margaux..malakas ang boses nya at halatang wala syang ni katiting na awa na nadarama..
Napalingon si lance kay margaux at tiningnan ito ng masama.
"Tumahimik ka margaux.madiin at galit na sabi ni lance kay margaux habang pilitvpa ding iniaabot ni lance ang mga kamayvko..
"Pagusapan natin to athena..maaayos pa natin to..mahina at mangiyak-ngiyak na sabi ni lancesa akin..
"Ayoko na..pagod at mahina kong sagot sa kanya..
"Pero athena..mahal kita...mahal na mahal kita..natataranta nyang pakiusap sa akin.
"Hindi mo na ba ako mahal?nanghihina nyang tanong sa akin habang nakatitig sya sa aking mga mata na tila ba ay nakikiusap at umaasa..
"Hi..hindi na..nabubulol at diretso kong sagot kay lance habang iniiiwas ko na
tingnan sya sa mga mata nya.
----------
Pagkatapos ng pagpapaalam ko kay lance ay naglalkad ako ng dahan dahan papalayo sa kanilang dalawa..patuloy akong naglalakad.naglalakad sa diretsyong di ko alam ang patutunguhan..naglalakad sa lugar na di ako sigurado kong ano ang patutunguhan..patuloy ang pagsunod ng aking mga paa sa daang di ko alam kung saan ang katapusan..eh..ang buhay ko kaya.magpapatuloy pa din kaya ang ikot ng mundo sa buhay ko..magpapatuloy pa din ba akong lalaban sa isang bagay na inakala kong ikasasaya ko?o baka dapat ko ng isuko ang katangi-tangi at nag-iisang pinapangarap ko?!
BINABASA MO ANG
Borrowed Visage(Completed)
Фанфик"My face is borrowed so was my identity...but i choose to live with it..because its the only thing that makes me feel alive".. -Athena Imperial