Chapter 34

667 22 9
                                    

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko..iniikot ko ang tingin ko sa paligid ko..dahan dahan kong iniupo ang sarili ko.mula sa pagkakahiga ko..nadatnan ko ang sarili ko sa puting silid..iniikot ko uli ang mga mata ko..napagtanto kong nasa ospital ako..may nakakabit na swero sa kaliwa kong kamay.napuna ko din na may bendahe sa kanang kamay ko..napahawak ako sa mukha ko.at laking pasasalamat ko..dahil wala akong nararamdaman na mahapdi.at wala akong nakapa na bendahe o sugat dito.

Huminga ako ng malalim.inalala ko ng paunti unti ng nangyari at kung ano ang rason kung bakit ako nandito..

Napahawak ang kamay ko sa bibig ko.ng unti unti kong naalala ang tunay na nangyari..

Iginala ko agad ang mga mata ko sa paligid ko.at nagbakasakaling namalik mata lang ako.

Nanlumo ako..at kumabog ng malakas ang dibdib ko..

"Wala si seth dito..magkahalong takot at kaba kong saisip..

Itinayo ko ng dahan dahan ang katawan ko mula sa pagkakaupo ko.

Nang makatayo na ako..ay hinila ko amg swero kasabay sa paghakbang ko..

Nilakihan ko ang paghakbang ko..

Nang makarating na ako sa harap ng pinto..

Ay pinihit ko na ang hawakan nito.pagkabukas ko dito..ay bumungad sa harap ko ang presensya ni mama.este mama pala ng tunay na athena evangelista.

Nanlaki ang mga mata nya..napaatras ako at napako sa kinatatayuan ko..

Humakbang at napayakap agad sakin ang babaeng nasa harapan ko.

Napayakap ito ng mahigpit sakin..na muntik ko ng ikatumba..humikbi ito habang nakayakap sakin..

Nanatili pa din akong nakatayo sa kinatatayuan ko..

Nanatili pa din sa paghikbi ang babaeng yumakap sakin..sa lakas ng emosyon na nakapaligidsa mga sandaling iyon..ay nadala alo...at napayakap na din sa kanya..unti unti at daha dahn kong inalo ito.habang hinihimas ko ng likod nito.

"Tahan na po..pag-alo ko dito..di ko sya tinawag na mama...dahil ayoko ng mabuhay sa kasinungalingan at pagkukunwari..

Napabitiw ito sa pagkakaykap sakin..tinitigan ako nito..bago ito nagsalita.

Napayuko ako..habang hinihintay ko ang sasabihin nya sakin..

"I thought..I'm going to lost you!athena..humihikbi nitong sabi sakin..

Napatingala ako sa babae.at nakita ko sa mga mata nito.ang senseridad..pagtanggap..at takot?

"Patawarin nyo po ako..paghingi ko ng tawad sa babae sa pagkukunwari at pagnakaw ko ng katauhan ng tunay na anak nito..

"Patawarim nyo po ako..sa pangloloko.at pagpapanggap ko..dire diretso kong paghingi ng tawad sa babae..

Napayuko ito...at napahagulhol ng malakas...bago ito nagsalita..

"Wala kang dapat ipaghingi ng tawad athena..nag-aalala nitong panimula..

Nalito ako at naguluhan sa sinabi nya..

"Ah..ano?ano pong ibig nyong sabihin?nauutal at naguguluhan kong tanong sa babae..

Napatingala ito sakin..bakas sa mukh nito ang takot at pag-aalinlangan..

"Patawarin mo ako anak...paghingi nito ng tawad sakin...umiiyak pa din ito..

Namuo ang tensyon sa paligid namin..napaatras ako..at sunod sunod ang mga katanungan na namuo sa isipan ko.

Naramdaman ko ang unti unting pagpatak ng luha ko.napa atras ako sa babaeng nasa harapan ko..

"Anak kita athena..dugo't laman kita..patawarin mo ako anak...patawarin mo ako...pagpapaliwanag sakin ng babae..

Nanikip ang dibdib ko..nanghina nag mga tuhod ko..natulala ako.at tila ba umurong na rin ang dila ko.

"Patawarin mo ako athena..pagpupumilit na paghingi ng tawad ng babaeng nasa harapan ko.

"Pero?paanong?bakit?mga tanong na sunod sunod na lumabas sa bibig ko

Napayuko muli ang babae..

"Maniniwala ba ako sa kanya?matutuwa ba ako sa sikretong ibubunyag nya?at higit sa lahat..kaya ko bng patawarin ang babaeng ito na nagsilang sakin.at basta nalang akong ipinamaigay o itinapon?mga sunod sunod na tanong na nagpagulo sa isipan ko..

"Kakambal mo si athena anak..panimula nito..nanginginig ang katawan nito.habang pilit na kinakalma ang sarili nya..

Nanghina ako sa sinabi nya..muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko.muntik nang bumigay ang katawan ko sa pagbubunyag nya ng isang sikreto.

Napahawak ang kamay ko sa bibig ko..nanlumo ako..at nakaramdam ng galit na may kakambal na paghihinakit..

Sa mga sandaling iyon ay di ko alam ang mararamdan ko..matutuwa ba ako?malulungkot ba ko?ikasasaya ko ba ang nalaman ko?dapat ba akong tumalon sa tuwa dahil sa nahanap ko na at nasa harapan ko na mismo.ang bubuo sa tunay kong pagkatao?o baka nman dapat ako maglulupasay sa semento at isumbat sa babaeng ito ang ginawa nyang pagtalikod sakin..na naging dahilan ng paghihirap ko sa 18 taon kong pananatili dito sa mapanghusga at mapangkutya kong kinalakihan na mundo...

"Patawarin mo ako athena..hindi ko sinasadya...masyado lang talaga akong napressure dahil sa perfect family na kinamulatan ko.patawarin mo kami ng papa mo..dahil natakot lang kami sa kahihinatnan ng mga propesyon at reputasyon na pinangangalagaan namin noon..patawarin mo kami...kung di ka namim binigyan ng pagkakataon para makilala ang kakambal mo..patawarin mo kami..kung di namin naibigay sayo ang karapatan mo bilang isnisang tunay na evangelista..patawad anak.patawad..mahabang pagpapaliwanag at paghingi nito ng tawad..

Nanlumo ako sa narinig ko..nakaramdam ako ng matinding galit at poot sa puso ko..bumalik lahat ng masasakit na ala-ala na itinapon ko na sa nakaraan ko..

Napaupo ako sa kinatatayuan ko...napayakap ako ng mahigpit sa tuhod at katawan ko..

Ipinukpok ko ang ulo ko sa sementong kinasasandayan ng likod ko..pinilit kong ipikit ang mga mata ko..sa pag-asang hindi totoo ng lahat ng narinig ko...

"Nananaginip lang ako!panaginip lang ang lahat ng ito.!!naghehysterical kong sigaw sa sarili ko.

Napaluhod sa harapan ko ang babaeng nagpapakilala na mama ko..patuloy ito sa paghikbiat paghingi ng tawad...

Niyakap ako nito ng mahigpit...at patuloy lang ito sa paghikbi sa balikat ko.

Hinayaan kong yakapin nya ko..hinayaan ko ang katawan kong sumunod sa pangungulila na nararamdaman ko sa puso ko..

.

Borrowed Visage(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon