Dahan dahan ako sa paghakbang habang naglalakad ako sa mahabang hagdanan..nakatingala sakin ang mga taong nasa ibaba..kabado ko pang ipinagpatuloy ang paghakbang ko sa mahabang hagdanan na ito..lahat ng mga tao ay nagpalakpakan habang pababa ako.tiningnan ko isa isa ang mga mukha ng bisita ko..nasa bandang kaliwang mesa si margaux nakapwesto..habang sila xander at shannon ay nakapwesto sa bandang kanan..nakangiti sakin si shannon..habang pababa ako..pinilit ko pang iikot ang mga mata ko..at nagbabaka sakali akong makikita ko ang nag-iisang taong pinakamahalaga ngayon sa buhay ko.hlos naubos ko ng tiningnan lahat ng mulha ng mga bisita ko..mabali na nga ang leeg ko.sa kakahanap kay seth..laking pagkadismaya ko..nang di ko ito nakita..
Napahinga ako ng malalim..
Ngumiti ako ng pilit..
Nagkunwari akong masaya..
Nagkunwari na naman ako..
Sa pangalawang pagkakataon..
Napapagod na nga ata ako sa pinasok kong ito.
Napapagod na ko na sa pagsusuot ng mukhang ito..
Napapagod na kong maging si Athena Evangelista..
Napapagod na kong...maging perpekto sa paningin ng iba..
Namuo ang mga tanong sa isipan ko..mga tanong na nag-uugnay sa pagkatao ko.mga tanong na pinilit kong isantabi sa nagdaang linggo..
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga..bago ko napagpasyahan na hubarin na ang maskarang isinusuot ko..
Napagpasyahan ko ng ibalik ang mukha at pagkatao ng athena evangelista na ninakaw ko..
Napagpasyahan ko ng isuko ang katangi-tangi kong pinapangarap..dahil ayoko ng maging gahaman..tulad ng sinasabi sakin ni seth..
Ipinangako ko sa sarili ko..na pagkatapos ng gabing ito..ay isusuko ko na ang lahat ng inangkin at ninakaw ko....
Narating ko na ang huling hakbang ng hagdanan..
Hinawakan ko ng mahigpit ang suot kong white princess ball gown.bago ko pinakawalan ang mga paa ko sa hagdanan..
Nagpalakpakan ang mga tao...
Nakangiti halos ang lahat sakin..
Inihakbang ko ulit ang mga paa ko sa semento..
Isa isa kong nilapitan ang mga taong dumalo sa kaarawan ko..
Isa isa din nila akong binati..at pinuri sa mala prinsesa kong suot...
"Happy bday!!!sissy!!!bulalas agad ni shannon sakin..pagkalapit ko sa kanila.nakaakbay dito si xander..habang nakangiti itong pilit sakin..
"Inilihis ko ang tingin ko sa kanilang dalawa..di ko naiwasang mainggit sa kanila..
"Hindi makakarating si seth..pasensya ka na athena..biglang sabi sakin ni xander..nakangiti pa din itong pilit..
"Sorry..athena ha..di ko kase mapilit si seth...singit naman ni shannon..bakas sa mukha nito ang pagsimpatya sakin..
Ngumiti akong pilit bago ko sila tinugunan..
"Ok lang...naiintindihan ko..matipid kong tugon dito..
"Athena..tawag sakin ni mama..napalingon ako agad sa kanya..
Nilapitan ako nito..at may ibinulong sakin..
"Maupo kana muna dun..utos nito..sabay turo sa silyang kulay puti na nasa gitna
.
Agad akong nagpaalam kina shannon...
Ngumiti sila at tinanguan ako..
Dali dali akong umupo sa upuang puti na itinalaga sakin..
Mala prinsesa ako sa gayak...sa gara at sa kwintas na gintong nakasuot sa leeg ko..
Pagkaupo ko..ay nagsalita ang emcee..
"We are all gathered here to witness the metamorphosis of a beautiful and a stunning butterfly..Ms.Athena Evangelista...pagpapakilala uli nito sakin...
Nagpalakpakan ang lahat...bago dumilim ang paligid...
Nagsilbing liwanag ang isang malaking tv screen..
Napatingin ang lahat sa malaking tv na nasa likuran ko.
Napalingon ako dito..
Isa isang ipinakita ang mga litrato ni athena evangelista..
Simula pagkabata..hanggang sa magdalaga ito..
Napako ang mga mata ng mga bisita sa panonood ng mga larawan ni athena evangelista
.
Bakas sa mga mukha nila ang pagrespeto.pagkamangha.paghanga at kung ano ano pa.
Maya maya ay mga tao naman na malapit sakin.ang lumabas sa tv..isa isa nila kong binati sa kaarawan ko.
Bawat isa sa kanila ay binigyan ako ng hiling nila para sakin..
Nakakataba ng puso ang mga sinasabi nila sakin..pero di ko pa ding maiwasang kainggitan ang tunay na athena na nasa katauhan ko na ngayon...
Abala ang lahat sa panonood sa malaking tv screen na yun..ng bigla kong narinig ang boses ko sa tv screen na nasa likuran ko..
Napalingon ako agad...at tumayo ang balahibo ko..
"Hindi ako si athena evangelista seth..dahil ako si athena imperial..dinig na dinig ko ang boses ko sa harap ng pinapanood ko.
Namuo ang bulong bulungan sa paligid ko.
Napako ako sa kinauupuan ko..habang lahat ng tao ay nakatingin at nagtataka sa nakita nila..
Maya maya ay may ipinalabas na litrato ng tunay na athena imperial..
Napahawak ako sa bibig ko.dahil di ako makapaniwala sa nasasaksihan ko
Lumakas ang bulong bulungan hanggang sa naging ingay na ito.
Lumapit sa harapan ko si margaux
At pinalakpakan ako nito.
"Ang galing!ang galing galing mo!ms athena evangelista!!or should I say ms impostora?nakangisi at mala demonyong tingin nito sakin..
Tumayo ako agad upang tumakas..
Pero bago ko ito nagawa...ay hinawakan ako ni margaux sa braso ko.
"Ganyan ka ba kadesperada sa attention?madiin nitong pang-iinsulto sakin..
Napalunok ako..
Sinampal ako nito..at itinulak ako..
Nanatili itong ngumisi sakin.habang nakaupo ako sa sementong ito.
Hinigpitan ko ang paghawak ko sa gown na suot ko.at dali dali akong lumayo sa mga tao..
![](https://img.wattpad.com/cover/24585862-288-k675430.jpg)
BINABASA MO ANG
Borrowed Visage(Completed)
Fanfiction"My face is borrowed so was my identity...but i choose to live with it..because its the only thing that makes me feel alive".. -Athena Imperial