Lance pov
Pagod na ko..pagod na ko na lagi nalang nakikihati sa attensyon ng iba.pagod na pagod na kong manlimos ng pagmamahal sa iba.pagod na pagod na ko na maging pangalawa lang sa paningin ni athena..
Hindi ako madamot..hindi ako makasarili.pero bakit ganito..kahit na anong gawin ko ay lagi lang akong pangalawa..una sa mama ko..may kahati ako..pati ba naman kay athena ay nakikihati pa din ako..
Bakit ba masyadong ganid si seth sa attensyon..una sa mama ko..tapos ngayon naman sa babaeng pinakamamahal ko.
----------------
Hindi ko isusuko si athena..hinding hindi talaga..ako ang nauna sa kanya..kaya kahit anong mangyari ay akin lang sya..pero paano ko nga ba ibabalik ang tiwalang minsan ay ibinigay nya..paano ko nga ba sisimulan ang pagbawi ko sa kasalanang di ko sinasadyang magawa..
------------
Pagkatapos ng soccer practice ay agad kong pinuntahan si athena sa unang klase nya..malas ko naman at nakaalis na pala sya.
Nagtanong tanong ako sa mga kaklase nya at napagalaman ko na nagpunta pala ito sa canteen..nagmadali akong maglakad patungong canteen.ng malapit na ko sa canteen ay dinig ko na ang boses ni margaux..
"Don't you dare try athena...malakas at galit na sigaw ni margaux..napatakbo ako at hinawakan si athena..
"Tapos na ang palabas...pasigaw kong sabi sa mga taong nakikiusyuso.
"Margaux..tumigil ka na.mahina kong sabi kay margaux habang kinakalma ko ang sarili ko..hinila ko ito palabas ng canteen para kausapin..
Habang papalabas ako ng canteen ay lalong lumakas ang mga bulong-bulungan..napatingin ako kay athena at kita ko sa mga mata nya ang panghihinayang,,poot at galit?!
Inilihis ko ang tingin ko kay athena at di ko na pinalampas na tapusin na ang namamagitan samin ni margaux..
"Tumigil kana margaux..tigilan mo na to..pwede ba..irespeto mo naman ang sarili mo.wala ka na bang kahihiyan na natitira dyan sa sarili mo?mahaba kong sabi kay margaux..
"Wala lance...wala..wala na kong natitirang respeto sa sarili ko.dahil sayo...akusa nito sa akin..umiiyak ito na tila ba nagmamakaawa..
Iniwasan ko syang tingnan sa mata..
"Hindi kita mahal..alam mo naman yun sa una palang diba?!..paalala ko sa kanya..
"Handa akong gawin ang lahat lance...mahalin mo lang ako ulit...humahagulhol nitong sabi sa akin..sabay yakap sa akin...
"Hindi na kita mahal...alam mo yan...pagpapaliwanag ko dito..
"Handa akong gawin lahat lance...handa akong gawin lahat...sabihin mo lang kung ano ang dapat kong gawin para mahalin mo ko ulit.umiiyak at nagmamakaawa nitong sabi sa akin...
"I can be dianne lance...I can be her...I can be her if you want...just give me a chance lance..umiiyak pa din nitong pagmamakaawa sakin...
Sa sandaling narinig ko ang pangalan ni dianne ay nakaramdam ako ng galit...
"Patay na si dianne margaux...wala na sya.si athena na ang mahal ko..at kahit anong gawin mo ay hindi mo kayang pantayan o higitan ito..madiin kong sagot kay margaux..
"You used me lance...you used me..and your gonna pay for that...kung di ka man lang mapupunta sakin...I'll make sure na hindi ka din mapupunta kay athena..akin ka lang lance...akin ka lang...galit na pagbabanta nito sa akin...
"Subukan mo lang na galawin si athena..subukan mo lang..pagbabanta ko rito..
"Just wait and see lance...just wait and see..nakangisi nyang sabi sa akin..
BINABASA MO ANG
Borrowed Visage(Completed)
Fanfiction"My face is borrowed so was my identity...but i choose to live with it..because its the only thing that makes me feel alive".. -Athena Imperial