Chapter five

1.2K 32 10
                                    

-Athena

Kasalukuyan kaming naglalakad ni lance sa hallway ng kolehiyong kapwa namin pinapasukan.3rd year Marine Engineering ang kursong kinuha nya.habang HRM course naman ang kinuha ko..magkahawak kamay kaming naglalakad ni lance.. bawat taong madadaanan namin ay halos lahat binabati kaming dalawa.wala pa rin nga talagang nagbabago sa school na ito.kasi dati pa naman madalas ko ng makita sina Athena at Lance na laging binabati ng mga estudyanteng nakatambay sa hallway ng school..madalas ko din makita sina athena na laging dumadaan sa hallway na to noong nabubuhay pa ito.parang kahapon lang ay nakikita ko lang ang sarili ko nakatanaw lang ng malayo kay lance..samantalang ngayon nahahawakan ko na ang kamay nya.at di ko na kailangan pang tumingin mula sa malayo dahil nasa harapan ko na mismo sya..

"Alam mo nakakapanibago ka..parang may nagbago sayo..biglang sabi sa alin ni lance habang nakangiti ito sa akin..

"Hah?anong ibig mong sabihin?defensive kong sagot agad sa kanya.

"Tahimik ka kasi tapos panay tingin mo sa akin..may problema ka ba?o nagtatampo ka pa din dahil di kita nadalaw sa ospital..nakakunot ang kilay nya habang napatitig sya sa akin.

"hindi...naninibago lang siguro ako..pagdadahilan ko..

"siguro nga..anim na buwan ka kasing di pumasok.tapos anim na buwan din tayong di nagkita..kaya siguro naninibago ka pa.hayaan mo..babawi ako sa anim na buwan ng pagkakawala mo...paninigurado ni lance..

"aasahan ko yan..nakangiti kong sagot kay lance...

"uhmm.lance.,anong balita kay Athena Imperial?nailibing na ba sya?bigla kong naitanong kay lance..

"Si Athena Imperial?un ba ung kasama mo sa kwartong natupok ng apoy?diretso nyang tanong sa akin..

"Oo.sya nga yun.matipid kong sagot kay lance..

"Namatay daw yun..balita ko pa.wala man lang nakipaglibing na kapamilya nya.kawawa nga eh.kasi ulilang lubos na pala yun..

tapos kakaunti pa yung nakipaglibing sa kanya..nalulungkot na sabi ni lance sa akin..

"Kawawa naman pala sya..kung sa bagay sa pangit at nakakadiri nyang mukha kahit sino naman siguro ay walang maglalakas loob na makipaglibing sa kanya.napalunok kong sbit kay lance..

"Hanggang ngayon pa din ba ay ganyan pa din ang pakikitungo mo kay Athena Imperial..Athena patay na yung tao.kaya sana naman kahit kaunti man lang ay magkaroon ka ng kaunting konsiderasyon ni Respeto man lang sa taong namatay na.iritableng sabi bigla ni lance sa akin..aabay bitiw sa kamay ko..

"Napatigil ako at nagulat sa mga sinabi nya..di ko alam kong anong gagawin ko.pero ramdamko ung tensyon na nabuo sa bigla kong pagbanggit sa dating Athena Imperial na nagyon ay nasa katauhan na ng Athena Evangelista ngayon..

"Alis na ko..andito ka na sa unang klase mo..nanlalamig na sabi ni lance..

"Look.,lance..I'm sorry..hindi ko sinasadyang laitin si Athena..maluha-luha kong pagdadahilan kay lance habang hinawakan ko sya sa kamay nya.

"wag na sanang mauulit..kasi alam mo namang ayoko na hinuhusgahan ang isang tao dahil lamang sa. Kakaiba nitong itsura..malumanay na sabi ni lance..

"sorry talaga..i promise..i won't do it again..nagmamakaawa kong sabi ka lance..

"ok..matipid nyang sagot sabay halik sa noo ko..

"I love you..dagdag pa nya..

"I love you too..sagot ko agad sa kanya..

"Alis na ko hah..mahuhuli na kasi ako sa unang subject ko pag nagtagal pa ako..nakangiting sabi ni lance..

"Sige..matipid at malungkot kong sagot kay lance..

"Kita tayo sa canteen mamaya..sabi nya habang palakad na sya papalayo sa akin..

Pinagmasdan ko lang si lance papalayo sa akin..nakangiti ako habang pinagmamasdan sya..ang sarap ng pakiramdam ko sa mga oras na yun..ang gaan gaan sa pakiramdam na alam mong may nagmamahal sayo..ang sarap sa pakiramdam na yung taong nagmamahal sayo ay di lang kung sino-sino kundi kilala at popular sa kolehiyong pinapasukan mo..

Borrowed Visage(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon