Britt Tape (I don't blame her)
Diana POV
"Take it" sabay abot sakin ni Kiara ng mga tape.
"Para san to Kia?" Tinignan ko isa isa yung mga tape, bawat isa may pangalan na nakalagay. Ang nakakagulat nito, lahat ng pangalan na nakalagay ay kilala sa university namin.
And.. Parang huminto ako ng isang segundo sa paghinga ng makita ko pangalan ko.
"Tell me Kia, what is going on? Ano nakalagay sa mga tape na to? Bakit may pangalan ako?" sunod sunod kong tanong sakanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit at sinabing "Listen and you will know, I need to leave now, just text me pag may tanong ka."
Sumakay na siya sa motor niya at iniwan akong nakatunganga sa daan.
------
Kanina pa ako nakahiga sa kama at nakatitig lang sa mga tape na binigay ni Kiara.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko knowing na boses ni Franki ang maririnig ko sa bawat tape na yun.
Sumandal ako sa head board at kinuha yung box kung san nakalagay lahat ng tape. Binuksan ko to at inisa isa.
Ngayon ko lang napansin na may tape rin pala para Kiara.
Para saan ba talaga to. Para akong sasabog sa curiosity ko pero natatakot akong marinig ulit boses ni Franki.
Nilapag ko ulit sa tabi ko yung mga tape at pinilit matulog.
-----
"Diana, breakfast is ready". Sigaw ng mom ko galing sa kitchen.
Usual food namin every morning, Ceasar Salad. Kumakain na sila pagbaba ko. Pero imbes dumaan ng kitchen papuntang pinto palabas ako dumeretsyo.
"Honey, you need to eat breakfast". Suway ng papa ko sakin bago pa ako makalabas ng pinto.
Sa totoo lang wala akong ganang kumain, hindi rin ako nakatulog ng maayos kakaisip sa tape na binigay ni Kiara.
Umupo ako para kumain ng salad. Tahimik lang kaming kumakain.
"Do u want me to drive u to school?" tanong ng mom ko.
"No need mom." walang ganang sagot ko.
Hinawakan niya lang ako sa kamay at kiniss sa noo, after non umalis na sila ni dad for work. They are both lawyer.
-----
"Stop it Britt" nakikiliting sabi ni Clairen habang tinutukso siya ni Britt sa paghalik ng neck niya.
I don't know how can Britt do that. Flirting in public.
Certified lesbian si Britt and publicly dating Clairen.
Kinuha ko ang ibang gamit ko sa locker ko saka naglakad papuntang room. Diko maiwasang mapatingin sa deretsyon ni Britt knowing na nakatingin din sakin si Britt habang nakayakap kay Clairen.
Ang seryoso ng tingin niya sakin, para bang may alam siyang di ko alam. And I feel uncomfortable with that look.
-----
"Diana, wanna have some snack sa starbucks?" tanong ni Sky.
"I'm not in the mood Sky, I'm sorry"
"That's why I'm asking you, kala ko ba naman mabubuhay ka pag sinabi kong starbucks." pangungumbinsi niya.
"I'm sorry, Uuwi na ako, baka pahinga lang need ko." naglakad na ako palabas ng gate.
-----
2 months narin ang nakakalipas, nakatitig nalang ako sa picture ni Franki habang nakahiga sa kama.
YOU ARE READING
13 REASONS WHY
RomanceIf you're listening, you're too late. I don't blame her. I protected her. I care about her. I miss her. I know her. I trusted her. I'm important to her. I like her. I can't hurt her. I want to take care of her. I'm proud of her. I fight for her. I l...