KIARA
NAGHALONG kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Huminga ako ng malalim at ishinake ang mga kamay para pakalmahin ang sarili. This is it, the day I've been waiting for. Ito na ang simula ng panibagong yugto ng aking buhay.
"Ang singing surfer ng La Union, Kiara!" nadoble ang tibok ng puso ko nang tawagin ako ng mga host
I flashed the biggest smile I can make habang palapit sa kanila.
Kaunting interview tapos yun na, ininstruct na nilang pumasok ako sa loob.
Habang nasa hallway, I uttered a silent prayer na sana magustuhan nila ako, na sana makatagpo ako ng bagong kaibigan at sana matupad ko na ang isa sa mga pangarap ko.
Inayos ko muna ang sarili ko sa tapat ng malaking mirror. Come on Kiara, you can do this!
"Fighting!" I raised my clenched fist para kahit papaano'y lumakas ang loob ko.
Binuksan ko na ang pintuan at tuluyan ng pumasok sa loob ng pinakakilalang bahay sa Pilipinas - ang bahay ni Kuya.
"Hello!" I waved at the men I first saw. They're so cute, I bet kakakilala pa lang nila kaya hindi ko masasabi kung may halong plastikan ba sila. Nevertheless, magpapakatotoo lang ako inside bahala na sila.
Greetings there, greetings here. Marami na din kaming nasa loob, at kagaya ko hind maialis ang mga ngiti sa kanilang nga labi. We're all excited that's for sure.
BUSY kaming lahat sa pakikipagkilala sa isa't isa. And I'm amazed that some came from far places, even abroad just like me.
Bumukas muli ang pintuan at takbuhan sila papunta dun. Unlike sa mga naunang kasamahan namin dito na mga makwekwela at kalog, the new arrived man seems serious. Parang napakatahimik niyang tao, pero infairness maganda mga ngiti niya, alagang dentista siguro.
Nagdecide silang magpakilala daw muna for formality's sake. Isa-isa silang pumunta sa harapan at nagpakilala, they gave their names, hobbies, works at mga pinagkakaabalahan sa buhay.
I am aware that we are in a show at maraming camera ang nakatutok sa amin kaya maaaring ang iba sa mga kasama ko, kung hindi man lahat, ay nakikipagplastikan lang.
But I don't want to be judgemental, I want to set aside my prejudices kahit na may mga ilan sa mga kasama ko na parang off ang ugali para sa akin. Ganun pa man wala na akong pakialam kung nagsasabi man sila ng totoo o hindi basta ang alam ko, lahat kami may ipinaglalaban, lahat kami may mga pangarap at lahat kami gustong manalo sa labang ito.
"Kiara it's your turn" tawag sa akin ng magandang babaeng katabi ko, I think she's Franki.
"Hi guys. I'm Kiara Mercado Takahasi and yes I'm half Japanese, half Filipino. I am from Japan but I also lived in La Union." nakita kong nakikinig naman silang lahat so I continued " I sing and I also do surfing" maikling pagpapakilala ko
BINABASA MO ANG
The CEO's Achilles Heel
FanfictionGino - one of the youngest CEO and most sought bachelor in the Philippines. He has the good looks, a masculine body that could make you drool, brain that thinks twice as a normal person, money (lots of 'em) and of course a soft heart coated with ste...