55. His

305 12 5
                                    

Third Person POV

Nagmamadaling mga yapak ang pumuno sa hallway papuntang office ni Gino. Malakas na pagbukas ng pintuan ang sunod na narinig. Isang gulat na mukha ang napatingin sa pintuan kasunod ng marahas na paghatak sa kwelyo ng damit nito.

"Pasapak, isa lang"

Bago pa man makahuma ang lalaki na nasa likod ng malawak na lamesa ay isang suntok na ang dumapo sa pisngi nito.

"What the f*ck. Rhyss??!!" galit na angil ng natumbang Gino.

"Sorry bro. I just needed to let it out" inilahad din nito ang kamay sa kaibigan at tinulungan itong tumayo.

"I hope I got your attention now"

"Well you certainly do have all my attention now, dude!" Asik ni Gino habang minamasahe ang pisngi na tinamaan ng kamao.

"Ikaw naman kasi, kung sana sinasagot mo mga text at tawag ko di hindi na sana ako pumunta dito at nasample an yang mukha mo" saka prenteng naupo sa sofa

"Busy nga kasi ako! Hindi mo naman ako katulad na kung kani-kanino lang ipinagkakatiwala ang mga bars mo" medyo kalmado na nitong sagot.

"Woah! Mr. CEO, fyi hindi ko ipinagkakatiwala ang mga bars ko sa kung kanikanino lang and pwede ba I'm not here for a lecture kung paano ko ihahandle business ko"

"Bakit ka nga nandito?"

"Because I want to punch you"

"And you already did. Congrats bro!" Sarcastic na sabi ni Gino.

"Kulang pa yan gago, sa dinami ng stress na ipinasa mo sa akin!"

"Busy ako and I have no time for your jokes. Get straight to the point"

Imbes na sagutin ito ay inihagis nito ang cellphone kay Gino. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes nito kaya nasalo niya ito kahit pa muntik na itong mahulog sa sariling upuan.

"Nice catch"

"Aanhin ko 'to?"

"Bro just open the damn phone!"

Sa pagliwanag ng screen nito ay tumambad ang convo - technically one sided dahil puro received messages lang ang makikita.

"Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko jan. Dude, I ran out of excuses already! Kung alam mo lang kung gaano ako kaingat sa mga pinupuntahan ko just so we would not see each other and give her chance to ask you to me"

Inisa isang pinasadahan ni Gino ang mga mensahe na natanggap ni Rhyss

"Rhyss, how is he?"

"Bakit hindi siya sumasagot sa mga tawag and texts ko?"

"Hahaha sorry medyo makulit ako but I just want to know if he's okay"

"He's okay right?"

"I'm sorry. I know you're busy, hindi na dapat kita ginugulo"

"How is he?"

Ilan lamang yan sa mga mensahe kay Kiara. He clenched his jaw upon reading some of it.

Marahas nitong inilapag ang cellphone ni Rhyss sa lamesa. Pinagdugtong ang dalawang palad saka ipinatong ang sariling ulo. Siya man ay nabablanko na sa ganyang usapin.

"Dude if you're going to tell me that I'll just ignore her, I swear I'm going to punch you!"

"Just ignore her!"

"F*ck dude!" napatayo na din si Rhyss, kitang kita ang pagka-irita dahil sa kinikilos ng kaibigan.

"Ano ba talagang nangyayari?"

The CEO's Achilles HeelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon