19. Let Go

462 29 1
                                    

Third person's POV

NAGSASAYA ang team ni Mae sa pagkapanalo samantalang nasa garden area naman ang grupo ni Akie.

Gino, pumasok sa confession room

"Gino daw!" sigaw ni Sky saka itinuro ang TV sa sala. Napapansin na nito na panay pagtawag ni Big Brother sa binata ngunit nanatiling nakatikom ang bibig.

Nagtataka man ay sinunod na lang ni Gino ang utos.

"Bakit po?" tanong agad nito pagkaupo sa sofa na nasa tapat ng mic

"Kumusta?"

"Syempre po masaya dahil panalo po ang team namin at nagbunga lahat ng effort"

"Pero?"

"Pero malungkot pa din po kasi the other team have to face the consequence"

"Bakit?"

"Po?"

"Bakit ka malungkot para sa kanila?"

"Kasi po somehow naging parte pa din naman po ang ng grupo nila"

"Yun lang ba?"

Hindi agad nakasagot si Gino at nanatiling nakatingin lamang sa mic

"Kasi po I feel bad para sa kanya dahil sa iniinda niya"

"Nahirapan din naman ang iba. What makes Kiara special?"

Hindi agad nakasagot si Gino sa ibinatong tanong sa kanya. Siya man ay hindi alam kung bakit tila napapalapit na siya kay Kiara

"I know po na nahihirapan din yung iba. But i think nadoble lang po kay Kiara"

"But don't get me wrong po--" natigil ang pagsasalita ng binata nang makitang hindi na umiilaw ang mic

"Makakalabas ka na"

"You haven't heard my explanation yet" wala siyang nakuhang sagot, nakapatay na din ang ilaw ng mic at ng mga camera hudyat na pinapalabas na siya kung kayat lumabas na siya ng confession room.

PAGKATAPOS makausap si Kuya ay nagtungo ang binata sa Garden area sa pagbabakasakaling nanduon ang pakay.

Hindi nga siya nabigo, nakaupo sa isang sulok ng garden area, na sa tingin niya ay ang favorite spot niya, ang dalagang nag-iisa. Agad niya ito nilapitan

"Hey" tawag pansin niya sa dalaga, ngunit hindi siya nito kinibo.

"Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ni Gino dahil napansin niya ang kislap na tila tubig mula sa pisngi ng dalaga

"Huh?" nagulat si Kiara sa tanong ng binata dahilan upang mapaharap siya dito. Hindi inaasahan ng dalaga ag sunod na ginawa ni Gino,inalapit nito ang palad at pinunasan ang pisngi gamit ang hinalalaki

Napahawak si Kiara sa pisngi at naramdamang medyo basa nga ito

"Come on, it's just a task. Kayang kaya niyo naman bumawi. Besides you did well kanina" patuloy nito sa pakikipag-usap sa nakakunot noong dalaga

"Ano?"

"You don't have to deny it. Lahat naman tayo nakakaranas ng pagkatalo and we just need to accept it and move on. Minsan kailangan din natin ng pagkatalo para maggrow"

Hindi maintindihan ni Kiara kung para saan at bakit ito sinasabi sa kanya ng binata.

"You can cry now. It will make you feel better" saka ngumiti si Gino na tila ba inuudyukan si Kiara na umiyak at ilabas ang nararamdaman

"Wait. Let me make this clear, I appreciate your concern pero hindi ako umiiyak dahil natalo kami sa kompetisyon" sa pagkakataong ito, si Gino naman ang napakunot ng noo

The CEO's Achilles HeelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon