KIARA
"congratulations ikaw ang bagong big winner.... Yamyam!!!"
"Ano ba yan mare! Hindi ka na nagsawa, unli ka?" mula sa screen ng TV ay bumaling ang mga mata ko sa bagong dating na si Yen
"Hindi talaga! One of the best days of my life yan eh"
She rolled her eyes at nagdive sa kama ko. Pahiga itong bumagsak saka gumapang kunti palapit sa akin.
Oh di nagulo higaan ko? Gulo talaga nito ever
"Haynako Oo na lang!"
"At bakit ka nanaman ba kasi nandito? Paano ka nakapasok? Sinong nagbigay ng permission sayo na kainin yan"
Nabitin ang tangka nitong pagsubo sa chips na nasa tabi ng kama ko.
"Eto naman parang chichirya lang eh. Ot soko kumotok ako noh!" opo, ngumunguya na po si Mareng Yen habang nag eexplain
"Sadyang bingi ka lang. Buti na lang andito pa si Ate bonita kanina, siyang nagpapasok sa akin"
"Eh bakit ka nga nandito?"
"Bawal ba? Naboboring na ako sa condo ko"
"Boring talaga? Makikikain ka lang naman. May cake sa ref kainin mo na lang, wala din lang kakain nyan pag-alis ko"
Natigil ito sa pagnguya saka tumingin sa akin na parang gulat
"Aalis ka na? Babalik ka ng Japan? Pero bakit? Paano na ako? Sino ng magiging kapit bahay ko? Wala na akong guguluhin? Wala na ba sayo mga pinagsamahan natin"
"Alam mo hindi talaga nasasayang pa workshop ni Kuya sayo, galing mo ng umarte eh. OA nga lang!"
"Arayy naman! Pero bakit nga? San punta mo?"
"Uuwi akong La Union mamaya" I grabbed the chips from her hand saka sumubo
"Oh La Union lang pala eh"
"Sino kayang NapakaOA ang nag assume na babalik akong Japan"
"Eheheh sorry na" nagpeace sign ito, sinong makakatanggi sa kacute an ng batang 'to?
"Alam ba ni Boss yan?" kapagkuwa'y tanong nito saka sumiksik ulit sa akin
"Sino?"
"Si big Boss? Si Kuya Gino"
Lol! Ni hindi ko nga nakita anino niya. Pagkatapos ng big night, halos hindi ko na siya nahagilap. Hindi naman sa nagrereklamo ako a, pero kasi basta...
"Ah bakit ko naman sasabihin sa kanya?"
"Ay aba syempre baka mag-alala yun"
Sus! Mag-alala nga ba. Nakalimot na nga yata eh
"Hay dami mong sinasabi. Siya alis ka na muna para makapag-impake na ako"
"Ay double kill! Kanina mo pa ako sinasaktan mare ha, pinapaalis mo na din ako ngayon!"
"Nakapa OA talaga, kung ayaw mo umalis di tulungan mo akong mag-ayos ng iuuwi"
Pero imbes na tulungan ako ay nahiga lang ito sa kama habang pabalik balik sa ref at kung anu-anong pagkain ang dinadala sa kama ko. Saan kaya napupunta lahat ng kinakain ng batang 'to?
Pagkatapos mag-empake ay naligo na ako para arangkada agad pagkadating ni Daddy.
"MAREEEE!!!"
"Ano?" tanong ko habang tinutuyo ang buhok ko. Sa sobrang lakas ng sigaw niya baka pati si Kuya Yam sa kabilang building narinig din
BINABASA MO ANG
The CEO's Achilles Heel
FanficGino - one of the youngest CEO and most sought bachelor in the Philippines. He has the good looks, a masculine body that could make you drool, brain that thinks twice as a normal person, money (lots of 'em) and of course a soft heart coated with ste...