25. Isdawan

504 20 1
                                    

KIARA

"Anong nangyari?" bungad ni Wealand sa amin nang makita niya kaming nakamermaid costume at hirap na hirap sa paghila ng sariling buntot.

"Gusto ni Kuya for us to wear these costume para maloose weight" paliwanag ni Franki sa cute na tagalog, in other word baluktot

Tinawanan lang kami ni Wealand. Saglit siyang lumabas sa garden area at narinig ko na parang tinawag niya ang mga boys. Pagbalik niya ay kasama na niya ang mga kalalakihan.

"Bakit yan? Anong nangyari?" pag-uulit ni Sky sa tanong ni Wealand kanina

"Part of the task" maikling sagot ni Diana. Third day na namin at so far kung ano ano pinapagawa ni Kuya sa amin

"Kailangan niyo ba ng tulong?" pag-aalok nito

"Yessss!" tili ni Franki

Kanya-kanya sila ng binuhat, si Sky syempre si Diana ang binuhat chance niya na din yun. Si Argel naman si Franki ang binuhat, si Akie ang bumuhat kay Ate Mae. Apat na lang kaming naiwan.

"Wealand!" tawag ko, lumapit naman ito pero laking gulat ko na lang ng lampasan niya ako at nagtungo kay Ate Hasna.

"Sorry Kia Kia, hindi kita kayang buhatin kay Gino ka na lang mas malakas" pinanlakihan ko ang nakangising Wealand, pati si Ate Hasna iba na din ang tingin, yung tinging may malisya.

Nauna na silang lumabas, leaving me and Gino inside. Nagsquat si Gino sa harapan ko para maging pantay kami

"Kaya mo ba akong buhatin?" pagbibiro ko

"Ikaw kaya mo ba akong sagutin?" balik tanong niya sa akin. Inirapan ko lang siya kahit deep inside nagwewelga na ang mga bulate sa tiyan ko dahil sa kacornihan siguro?!

"Bahala ka jan" nagpabebe ang lola niyo at pinilit lumayo habang hila hila ang may kabigatang buntot

"Di na mabiro" naramdaman ko na lang ang pag-angat ko mula sa sahig. Kinarga niya ako ng pabridal style gaya ng mga nauna na sa labas. Inikot ko ang mga kamay sa leeg niya syempre para hindi ako mahulog, masakit kaya yun lalo na pag walang sasalo. Itinuon ko ang tingin sa pool, ang awkward naman kung titigan ko siya

"Bigat a, kaya pala palaging gutom eh!" hinampas ko nga ang loko. Siya din naman matakaw

"Bawi naman sa exercise a" pagdedepensa ko sa sarili. Bumabalik nanaman ang pagkasutil ng boss na 'to. Hintayin niya lang, makakatyempo din ako ng asar sa kanya.

Paglabas namin nakaupo na sa dulo ng pool ang mga girls.

"Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Wealand, halatang nang iintriga yung tanong at paraan ng pagtanong eh

"Hina ng boss niyo eh" panglalaglag ko kay Gino. Ha! Kala niya ako lang mapapahiya today ah

"Sayo lang naman mahina" biglang banat nito ng pabulong pero dinig naman ng mga boys kaya nagsigawan sila

"Yun oh!"

"Dumadamoves na si Boss"

"Kahinaan ka daw Kia Kia oh, iba din naman talaga"

"Dapat Rapunzel costume mo eh, haba ng hair. Lika gupitan natin!"

"Dila mo gupitin ko pag di ka timigil!" banta ko kay Argel na nagpatahimik sa kaya pero ngiting ngiti pa din

"Harsh naman" bulong ni Gino sa tenga ko

"Mas magiging harsh ako sayo kapag hindi mo pa ako dinala dun" ganting bulong ko. Mabuti na lang agad siyang sumunod. Pagkalapag pa lang niya sa akin inulan na ako ng tanong ng mga girls

The CEO's Achilles HeelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon