12. Sandok mo to

492 21 1
                                    

Third Person's POV

Ingat na ingat na bumangon si Gino mula sa kama upang hindi makagawa ng ingay. Tiningnan niya ang relong nasa tabi ng kama at sinasabi nitong alas diyes na ng gabi. Muli ay dahan dahan siyang lumabas ng kwarto habang nakayuko, agad niyang tinungo ang isang pintuan at nang masigurong walang tao ay agad siyang pumasok dito.

Pagkasara ng pintuan ay umayos siya ng tindig at tinungo muli ang isang pinto. Pagkapasok ay prente siyang naupo sa upuan saka ipinatong ang paa sa mababang lamesa.

"I know you're still awake" kapagkuwan ay sambit nito sa kawalan. Walang partikular na kausap

"remove your Feet off my table first" utos ng isang mababang boses

"Yeah whatever. Come out now will you"

"Paano kung ayoko?"

"Paano kung umalis ako sa bahay na 'to?" may himig ng pagbabanta sa boses nito

"Tsk" mula sa isa pang pinto ay lumabas ang isang pigura na may hila hilang plastic na upuan.

Inilagay niya ito sa tapat ni Gino at naupo saka humalukipkip at pinagkrus ang mga binti.

"How was it?" tanong nito kay Gino

"Fine. Hindi ko inasahan na mga professional pala sila. Akala ko kung sino sino lang nakakapasok dito"

"Judgemental naman. Hindi naman sila kung sino sino lang, they have stories too you know. Ikaw lang yung wala"

"I do have my own story"

"Yeah right" sabi ng kausap sa sarkastikong paraan

"So you want me to leave now?"

"Blackmailer ka din eh noh?"

Napangisi lang si Gino dahil alam ng panalo na siya sa argumento

"Bakit ka pala nandito? Can't sleep or you missed me?" tanong nito sa binata ngunit sinamaan lang siya ng tingin nito

"Sabihin mo lang kung ayaw mo na. Pwede namang ikaw ang unang lalabas"

"Says who? Isang buwan ang kailangan ko"

"Isang buwan?" napaayos ng upo ang kausap "Hindi yun sapat!"

"Gagawin kong sapat. May business ako sa labas baka nakakalimutan mo" napaikot lang ang mata ng kausap dahil sa sinabi ni Gino

"Oo alam ko sa labas ikaw ang boss. But this is not your territory and this time, I am your boss" napataas ang kilay ng binata sa sinabi ng kausap

"Okay then" nagpakawala ito ng malalom na buntong hininga "If you want to achieve your desired fame within a month then kailangan mong sundin ang mga sasabihin ko" ika nito sa seryosong tono

"Una, iwasan mong magkaroon ng away sa kapwa mo housemates"

"Of course I know, may image naman akong prinoprotektahan. At hindi din naman ako warfreak"

"Pangalawa, subukan mong makipag-interact sa kanila. Be approachable Magpabibo ka kung kinakailangan, magpapansin ka, pero matuto ka ding makinig"

"Being approachable is easy, I don't even need to act. It'll come naturally."

"At pangatalo, kailangan mo ng kalove team"

"What? Did I heard it right? Ka-loveteam?"

Tumango ang kausap

"What for?"

"Trust me para sa ikabubuti ng career mo 'to"

"Ikabubuti? Baka ikasisira. I came here to be famous, hindi para maghanap ng lovelife."

"Exactly! To be famous. Hindi mo naman kailangang totohanin, its only temporary habang nandito ka lang sa loob"

"That's absurd. Magpapanggap akong inlove to deceive people?"

"This industry is about deceiving the viewers! Huwag ka ng magpakahipokrito. Maswerte na kung kalahati ng tao sa industryang ito ay totoo, the rest are all lies."

"It's still a no. I'm doing it my own" tumayo na si Gino pero bago pa man tuluyang makalabas ay nagsalita muli ang kausap

"Think about it Gino. Sino sa mga babaeng housemates ang magiging kapareho mo" umiling na lang si Gino at tuluyan ng lumabas

Habang naglalakad pabalik ay hindi niya maiwasang isipin ang napag-usapan kanina.

Nasa tapat na siya ng pintuan ng boys room nang makarinig siya ng kaluskos kaya hinanap niya ito at muntik ng tumalon ang puso nito sa gulat nang makita ang taong nakatayo malapit sa kusina.

KIARA

Mukhang nagulat nga ang lalaki, pero agad ding nawala at bigla itong tumawa

Anong nakakatawa?

"Seriously, a ladle?" natatawa pa rin niyang tanong sa akin. Naguguluhan man ay tiningnan ko ang hawak ko na syang tinatawanan niya at putek! Sandok nga!

ibinaba ko ang sandok, at pumameywang para hindi mahalata ang pagkapahiya ko.

"Tinatawa tawa mo jan?Hindi mo ba alam na nakamamatay ang sandok?" mataray kong tanong sa kanya kahit pa gustong gusto ko ng tumakbo papasok sa loob. Seriously Kiara? Kailan pa nakakapatay ang sandok?

"Really?" exagerated nitong bigkas at may patakip pa ng bunganga

"O-oo naman! Deadly weapon din yan kahit papaano" papanindigan ko na to

Umiling na lamang ang bintaa

"Saan ka ba galing? I mean anong ginawa mo sa loob?" imbes na sagutin ay ngumiti lang ito

"Goodnight Sandok" bago pa ako makareact sa sinabi niya, nakapasok na ito sa kwarto ng mga lalaki!

At anong sinabi niya? Sandok? Bwisit yun ah! Palibhasa siya bakal! Business man of steel pa ha!

Yamot man ay pinilit ko ulit matulog at kalimutan ang bakal na yun.

Third Person

Ngiting ngiti si Gino habang papasok sa kwarto. Hanggang sa paghiga niya ay hindi pa din mawala wala sa isp niya ang itsura ng babaeng nakahawak ng sandok at mas natawa pa ito nang sinabi ng dalaga na deadly weapon ito.

She might look ordinary but she's really a worth-knowing woman. With that nakatulog si Gino ng nakangiti

Mental note: Ladle can't protect you



Vote * Comment * Share💛

The CEO's Achilles HeelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon