KIARA
BALISA, yan ako habang naupo sa garden at nakatingin sa pool. Kani kanina lang, we bid our goodbye to Kuya Banjo. Mahigit isang linggo pa lang kaming nagkakasama pero ramdam ko na yung bigat ng pagkawala niya sa loob ng bahay ni Kuya. I really hate goodbye.
Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nabagabag sa mga ginawa at ilan sa mga sinabi niya. Pero I never thought na aabot sa ganito. I believe naman na magkakaiba kami ng personality, and maybe kung napag-usapan lang namin ito ng maayos at nabigyan pa kami ng time with him, siguro he became better.
But all things done, siguro magsisilbing lesson na lang sa aming lahat yun na we must be careful in our actions.
"Candy for your thought?" isang kamay ang tumambad sa harapan ko na may nakalahad na Fres Candy
Napapikit ako kasi parang nagkaroon ako ng deja vu. Then naaalala ko, yun din yung sinabi ni Rhyss sa akin the first time we met sa bar. Namiss ko tuloy siya."Tatanggapin mo ba? Kasi nangangawit na ako" napatingala ako kay Gino na mukhang nayayamot na but still wearing his smile
Kinuha ko ang candy sa kamay niya pero imbes na kainin ay tinitigan ko lang ito.
Smile for me. My lips slowly stretched forming a smile
"Alam mo bang smiling contains germengantiun na nakakapagboost ng white blood cells which protects our immune system?" napatingin ako kay Gino na ngayo'y nakaupo na sa tabi ko "Dr.Cooper released a research regarding the effects of smile in someone's health according to him, smile can cure cancer and other deadly diseases"
"Talaga?"
"One of his patients who was diagnosed with stage 4 cancer miraculously survive just because of smiling. They tested the patients blood and found the abundance of garmengantium"
Nanatili lang akong nakatitig sa kanya habang nag-eexplain siya. He looks serious at may paaksyon pa siya ng mga kamay kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong maniwala sa kanya.
"At alam mo din ba...." tumingin siya sa akin
"Na?" balik tanong ko sa kanya
"Na inuuto lang kita" biglang nanlisik ang mga mata kong kanina'y lumalaki dahil sa bilib
"it's okay. Hindi naman ako naniwala duh" pakonswelo ko sa sarili
"Kaya pala sa sobrang hindi ka naniwala kulang na lang tumabi ka sa akin para marinig sinasabi ko" I looked at myself at tama nga siya, nakalean na ako palapit sa kanya
Umayos ako ng upo. At ibinalik ang tingin sa pool.
"But kidding aside, you should smile often. Madami siyang psychological benefits"
"Wow coming from a man who rarely smile huh?"
I was caught off guard nang bigla siyang ngumiti. Compare to our first days mas ngumingiti na siya ngayon. Ano kayang nilalagay ni Diana sa pagkain namin bakit unti-unting nagbabago ang isang 'to? O baka naman yung pa-aircon ni Kuya?
"Tulala ka na jan. Kakainlove ba?"
"Ay iba din. Penge kahanginan boss"
"tssk"
"Pero seryoso na. You should smile often"
"Bakit ba atat na atat kang pangitian ako? Nakakainlove ba?" balik asar ko sa kanya. Ha kala mo ah!
"What if sabihin kong oo?" isang sagot na hindi ko inaasahan. Teka dapat siya yung nabibigla! Bakit naback-to-you naman yata ako?!
"Hahaha bolero ka din boss eh noh? Sanay na sanay ah" pagbibiro ko nang makabawi na ako. Whew
"Have someone ever told you how beautiful you are when you smile?"
"Ikaw? May nagsabi na ba sayong ang creepy mo sa paiba iba mong ugali?"
"Kiara! Gino! Tara daw sa confession room"
Mabuti na lang dumating si Wealand. Nakaiwas nanaman ako sa isang awkward na sitwasyon.
Third Person
Nanatiling nakatanaw si Gino kay Kiara at Wealand na papasok na sa loob ng bahay ni Kuya.
"What is that all about?" muntik ng mapatalon ang binata dahil sa nagsalita
"What are you doing here?" luminga ang binata at nang masigurong sila na lang ang nasa Garden ay ibinalik niyang muli ang tingin sa lalaking nakajacket
"Checking your kacornihan"
"So now you're spying on me?"
"bakit parang gulat ka? 24 hours naman kitang binabantayan ah"
"But still...."
"Gino!" agad hinila ni Gino ag nakajacket upang itago mula kay Wealand na palabas muli sa garden area
"Coming!" balik sigaw ng binata
"Sana hindi na maulit 'to! Hindi pa ba sapat ang mga camerang nakainstall sa bahay?"
"i just want to check on you" giit nito
"Just leave. And don't let someone see you" agad nilisan ni Gino ang garden area pagkatapos bilinan ang lalaking nakajacket.
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya pagkapasok niya sa loob. Isinara niya agad ang sliding door kasama na ang kurtina
Napaisip muli ang binata kung tama pa ba ang ginagawa niya.
AFTER ng pakikipag-usap ni Big Brother sa mga housemates ay pinaiwa niya si Gino
"I really want to know all of the housemates po. Like talk to them one by one po" sagot ni Gino sa tanong ni Big Brother kung kumusta ang pakikitungo niya sa kapwa housemates
"Nakikilala mo naman ba sila?"
"Yes naman po. I try approaching them and ask questions"
"Sino sino na ang mga nakapalagayan mo ng loob?"
"Yung mga boys po and some of the girls"
"Specially Kiara po, I enjoy talking to her like we have lots in common and nakakarelate po kami sa isa't isa" he admitted honestly
"Mabuti kung ganun. Sana makilala mo pa ang mga kasamahan mo"
"I will po. Thank you" lumabas na si Gino
"Alam niyo na gagawin niyo sa editing" utos ng lalaking nakaupo sa likod ng camera habang pinagmamasdan si Gino na palabas ng confession room
Pinagdikit nito ang mga palad at isang ngiting makahulugan ang sumilay sa kanyang labi.
VOTE * COMMENT * SHARE 💛
BINABASA MO ANG
The CEO's Achilles Heel
أدب الهواةGino - one of the youngest CEO and most sought bachelor in the Philippines. He has the good looks, a masculine body that could make you drool, brain that thinks twice as a normal person, money (lots of 'em) and of course a soft heart coated with ste...