KIARA
"Guys Can we do something fun?" sigaw ni Sky. Nasa sala kaming lahat, nakatungnga paminsan minsang asaran, kwentuhan.
"Hamunin mo si Kuya ng suntukan" banat ni Argel saka itinaas ang nakakuyom na kamao. "Oops joke lang syempre" agad nitong bawi at nagpeace sign
"Dance battle is fun" suhestiyon naman ni Akie na agad sinang ayunan ni Ate Mae. Malamang pabor sa kanila yun, mga dancer sila eh. Napahindi ang ilan sa amin kasama na ako dun, jusko nasayaw lang naman ako kapag nasa impluwensya ng alak. Pero ang talagang nangunguna sa pagtanggi ay ang natatanging CEO, I wonder how bad he is at dancing.
"Let's just make over the boys" masayang suggest ni Franki, pumapalakpak pa. Agad tumayo si Wealand at patakbong lumayo kay Franki na kanina ay katabi niya, nakisiksik ito sa pagitan nina Argel at Akie na parang batang nagtatago sa nanay
"Come on. That's fun"
"Gawa na lang tayo ng talkshow" sabi ni Sky na agad nagpa oo sa mga boys. Ayaw lang talaga nilang ma-make up an.
Hinila ni Sky ang dalawang stool mula sa kusina at inilagay sa harap namin.
"Good evening ladies and gentlemen" palakpakan kaming lahat hyper kaming mga audience "Welcome to the first ever episode of Sky Lounge only here in Kuya's residence" nakakahanga talaga ang talino niya, mukha siyang sanay na sanay eh
"For our first guest, may we call Wealand!!"
"Magandang gabi mga ginoo't binibini. Ako'y nasa inyong harapan dahil wala sa inyong tabi, ang lalaking bukod tanging pinagpala ang lahi. Wealand nga pala ang aking pangalan, walang inuurungan maliban na lag kung make up na ang usapan" palakpakan kaming lahat sa intro ni Wealand at napatawa dahil sa pagpaparinig niya kay Franki.
"Go Wealand" pakikisigaw ni Franki na malamang sa malamang ay hindi naintindihan ang lahat ng sinabi ni Wealand
"Okay Wealand. So kumusta naman ang pagstay mo sa PBB house?"
"So far so good"
"May namimiss ka ba sa labas?"
"Madami po, mama ko tyaka kapatid ko tyaka mga tropa ko"
"Any other?"
"Si ano po....eihhh nahihiya ako next question na lang po" tawanan kami sa naging reaksyon ni Wealand. Ang cute niya kasing tingnan habang kinikilig
Halos 5 minutes ding nag-usap ang dalawa at puro kami tawa sa mga sagot ni Wealand.
"For our next special guest. Please welcome the business man of steel, none other than .....drum rolls .....Gino!"
"Good evening. Pasensya nakapaa lang ako"
"okay lang" Sky "nilalamig ka ba?"
"Hindi naman sakto lang"
"We've been here for two weeks. At maaring tayong mga lalaki ay nagagandahan tayo sa kanila. Ah kanina ka pinakaattracted sa among the girls?" Gino sipped in his coffee at halata mong tensyonado siya. Ganun kahirap sagutin yun?
Oo nga pala nasabi na niya sa akon nung naglalaro kami ng truth or dare na may gusto nga siya sa loob ng bahay. Now's the time to reveal it finally!
"Ah physically lahat naman sila maganda in their own way" naku alam na alam ang sagot ah, mashowbiz "but if we take one step forward, tungkol sa mga kwentuhan, yung mga experiences, you kind of jive you get along..." daming satsat eh name lang naman sasabihin nakuu
"I guess si ano, si Kiara"
See basic!
"Woahh"
BINABASA MO ANG
The CEO's Achilles Heel
FanficGino - one of the youngest CEO and most sought bachelor in the Philippines. He has the good looks, a masculine body that could make you drool, brain that thinks twice as a normal person, money (lots of 'em) and of course a soft heart coated with ste...