KIARA
KATATAPOS lang ng weekly eviction at isang housemate nanaman ang lumabas ng bahay ni Kuya. Hindi pa din talaga ako nasasanay na may umaalis, though thankful naman ako because I was saved this time.
Nakaramdam ako ng magaang pagpat sa balikat ko, itinaas ko ang paningin at nakita si Gino na nakangiti. Somehow nagiging at ease na ako sa mga ngiti niya, parang napapadalas na kasi ang pagngiti nito.
"Housemates...." nagulat kaming lahat nang biglang magsalita si kuya through the speakers na nakakabit sa buong bahay. "Handa na ba kayo sa inyong pangatlong hamon?"
Hindi pa kami nakakarecover ay heto nanaman ang isang panibagong task. But what can we do? We can't complain and quit anyways.
Hindi muna sinabi ni Kuya ang susunod na task, hinayaan niya kaming magpalit at magpahinga na. Prolonging the agony charr
KINAUMAGAHAN nagising ako ng kusa kahit hindi pa tumutunog yung morning clock namin. Umupo ako saka nag utal ng prayer. After thanking Him and asking for His guidance, I pulled my arms upward for a stretch.
Nanatili akong nakaupo sa kama, nagmumuni-muni, iniisip ang mga nangyari simula nung pumasok ako, kung ano na kaya ang nangyayari sa labas, did someone miss me? Or may mga tao kayang gustong gusto na akong makita?
How about inside the house? Okay lang ba mga pinapakita ko? May mga nagawa na kaya akong ikinasama ng loob ng mga kasamahan ko? Anong gagawin ko kay Gino? Is he really serious?
I gently shake my head para iwaksi ang taong pumasok sa isip ko, I shouldn't be thinking about him now. I should focus on the goal. Aim on the prize Kiara
Napigil ang pag-iisip ko nang tumunog ang morning alarm clock. A sign for a new day!
"Good morning" niyakap ako ni Ate Hasna mula sa likuran. Isa isa na ding nagising ang mga kasamahan namin.
Itinali ko lang ang buhok ko saka nauna ng lumabas habang ang mga ibang girls ay nagmumuni muni pa.
"Good morning Kia kia" bati ni Argel sa akin na kagaya ko ay kalalabas lang din ng kwarto nila. Sinusuot nito yung sando nang lumabas siya kaya nasight ko ng very light yung mga tinatago niyang pandesal. Parang gusto ko tuloy magkape
"Good morning din boi" kunyare hindi affected.
Nagdiretso siya sa CR samantalang ako ay nagdiretso naman sa kusina para uminom ng tubig.
"Good morning" napapiksi ako nang may mainit na hininga na dumampi sa batok ko.
Humarap ako dahil sa gulat and found Gino standing so close to me, so close that I can smell his breath.
"L-lumayo ka nga" I scolded myself for stuttering, bakit!? Napatakip ako sa bunganga ko dahil narealize kong hindi pa pala ako nagmumog
Ngumisi lang ito saka inextend ang kamay sa likod ko, ipinakita niya sa akin ang baso na kinuha niya sa lagayan
"Pwede ba akong uminom?" tanong niya
At ako namang si tanga, napatango lang.
He tilted his head tumingin ako sa gilid ko pero wala namang tao dun kaya ginaya ko siya. Inulit niya pa ito saka itinaas ang dalawang kilay, again ginaya ko ito. Ano bang ginagawa niya? May stiffneck?
"Hays Kiara" anong ginawa ko? Ginagaya ko lang naman siya!
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka itinulak sa gilid. Magagalit na sana ako pero nakita kong kumuha siya sa water dispenser saka ininom.
All along akala ko nakikipagbiruan lang siya! My gosh nakakahiya ka Kiara
Agad akong nagtungo sa CR bago pa niya ulit ako maasar. para maghilamos at magmomog na din
BINABASA MO ANG
The CEO's Achilles Heel
FanficGino - one of the youngest CEO and most sought bachelor in the Philippines. He has the good looks, a masculine body that could make you drool, brain that thinks twice as a normal person, money (lots of 'em) and of course a soft heart coated with ste...