A/n ginanahan ako mag post😁bukas pa sana 'to eh. Enjoy!
+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+
KIARA
PARE-PAREHO kaming nagulat nang makita ang numerong nakalagay sa screen sa may sala. Apat na 8 ag nakalagay, some gave their ideas kung ano sa tingin nila ang mga yun.
"Baka yan yung number ng days na titira tayo sa loob ng bahay ni Kuya?" sabi ni Wealand
"Wealand that's 8888 days equivalent to 24 years or so. Gusto mo manirahan dito ng ganun katagal?" sabi ni Sky. Bilis niyang magcompute ha, SummaCumLauBae talaga eh
"Ah baka hours?"
"Still that's total for a year"
Hindi na nakasagot si Wealand at napakamot na lang ng ulo
"Maybe that symbolizes money and we need to raised that much" suhestyon ng pinakabusiness minded sa grupo - walang iba kundi ang natatanging boss
"Posible, pero nasa loob tayo ng bahay saan tayo kukuha ng ganyang pera" sabat ni ate Hasna
Nagtaas lang ng balikat si Gino.
"Guys I think that's the number of times we can retouch" napabaling ang mga atensyon namin kay Franki na kasalukuyang nag-aapply ng lip balm
"Seryoso? Sino namang nagreretouch ng ganyang kadami?" tanong ni Kuya Banjo
"I do. Specially when I'm bored" pagdedepensa nito sa sarili. Ang cute niya lang talaga
"Baka yan yung weekly budget natin" this time si Diana naman nagbigay ng thoughts. So far siya pa ang may pinakamatinong suhestyon
"Guys mali kayo!" napatingin kami kay Argel na napakaseryoso at parang alam na alam na niya ang sagot "Numero yang mga yan" sabay sabay ang pagkunot ng noo namin sa sinabi niya.
"Joke lang, seryoso niyo eh" nakapeace sign ito habang tumatawa. Bago pa may makapagbigay ng kakaibang hula, narinig na namin ang boses ni Kuya
"Goodmorning housemates. Ang numerong nakikita niyo sa inyong harapan ngayon ay..." may pabitin effect si Kuya eh. Bakit ba siya ganun? Hirap kaya mabitin
"Ang segundo ng pwede nyong pagtulog" lahat kami napanganga sa sinabi niya. Pagtulog? As in sleep? Turog ganun?
Pinatawag niya sina Ate Jamie at Argel sa confession room. Habang kaming mga naiwan ay patuloy sa pag-uusap tungkol sa sinabi ni Kuya.
After ilang minutes bumalik na sina Ate Jamie at Argel dala ang isang sobre. Sabay nila itong binasa sa harapan namin
"Binibigyan ko kayo ng 8888 segundo upang matulog sa loob ng isang linggo. Lahat kayo ay kailangang gising at sa oras na may isa sa inyo ang makakatulog, mababawasan at tatakbo ang oras na inilaan ko para sa pagtulog niyo"
Nanatili kaming nakanganga sa sinabi instructions.
We decided to plan for a strategy at nanguna si Sky sa pagpaplano, I so admire his wit napakabilis niyang mag-isip ng paraan but at the same time marunong siyang makinig sa suggestions ng iba.
Nanatili akong tahimik at nag-observe. Ayoko ng dumagdag pa sa suggestions, magiging magulo yun para sa amin besides magaganda naman mga suggestions nila.
In the end nagdecide kaming mag set ng oras ng pagtulog at dapat may maiiwang bantay.
UNANG GABI kanya kanya kaming strategy kung paano labanan ang antok. Pero sadyang malakas talaga ang hila ng tulog dahil nakakaidlip pa din ang iba sa amin. I admit, pati ako napapapikit din but everytime I get into deep sleep someone would shout or shake us kaya no choice kami kundi gumising ulit.
11:00 pm lahat sila nakatambay sa sala, takot pumasok sa kwarto dahil baka tuluyan silang makatulog.
I decided na lumabas at magtungo sa pool side para mag exercise. 10 minutes of cardio can pump up my blood para makatulong na hindi ako makatulog.
I was in my second rep nang maramdaman kong may kasama na ako doon. I did not bother looking at whoever that housemate is.
I was doing my yoga cool down nang biglang may sumulpot at nagpush up sa may madamong part ng garden.
"Tss gaya gaya"I said saka mabilis na tinapos ang ginagawa at tumayo na
"Hey where are you going?" tanong niya sa akin malamang, kami lang naman andito
"Inside. Away from you" halos pabulong na lang yung pagkakasabi ko sa huling salita pero mukhang narinig pa niya dahil ngumisi nanaman siya
"Iniiwasan mo po ba ako?" napataas kilay ko sa sinabi niya. Did he just said 'po'?
Hinarap ko siya saka nagcross arms
"Hindi naman PO!" I said emphasizing my last word. Saka umupo sa bench na naduon para kumbinsihin siyang hindi ko siya iniiwasan. Kahit oo naman talaga
"Talaga? Bakit parang feeling ko oo?"
"Feelingero ka eh" i whispered under my breath pero alam kong narinig niya hindi niya lang pinansin. Ipinagpatuloy nito ang pagpupush up sa harapan ko.
I can see his muscles being flex. I unconsciously bit my lower lip.
"Baka naman matunaw ako sa titig mo" mga katagang nagpabalik sa diwa ko mula sa kahalayang dumadaloy sa imahinasyon.
"Sana nga matunaw ka na!"
"Aminin mo na kasi. Kaya ka nga nandyan di ba?" I raised my eyebrow amd parted my lips in disbelief. Sumobra yata sa hangin ang isang 'to, ganun na ba pag CEO?
"Excuse me? Ayoko lang sabihin mo na iniiwasan kita"
"But I did not forced you to stay" I gave out a deep breath. Napaka talaga ng isang 'to. Tumayo na ulit ako at nagmartsa papasok
"Hey Kiara. I'm just joking" pahabol nito pero hindi na ako humarap. Nunca na harapik ko pa siya, tataas lang dugo ko dahil sa kanya
"Hey wait up" a warm hand grabbed my arms and let me faced him
"I'm sorry" he apologized
"No it's okay. Papasok na talaga ako sa loob" I said as calm as I can kahit sa loob ko gusto ko na siyang tarayan. Calm down Kiara, madaming camera
"I'm sorry" sambit ulit nito
"Ay ulit ulit tayo? Sirang plaka ganern?"
Binitiwan niya ang kamay ko saka tumitig sa akin. Opo titig talaga
"I mean it. Sorry kagabi" geez does he really need to remind it "Sorry din kaninang umaga kung medyo awkward" wow buti alam niya "And sorry kung nahahanginan ka na or naweweirduhan ka na sa akin" so aware pala talaga siya? Nice
"I'm sorry for annoying you. Sinasadya man o hindi" I looked straight to his eyes. Titigan kung titigan besh
Slowly I felt being hypnotized by the way he looked - or stared rather- at me. Nakaramdam ako ng kakaiba sa titig niya, I felt his sincerity.
"Guys gisinggggg!!!" isang sigaw ang pumukaw sa akin. I blink twice at iniwas ang tingin. What the heck just happened?
Tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay.
"Kiara okay ka lang?" tanong ni Sky pagkapasok ko
"Hmm?"
"Namumula ka yata"
"Huh? Kasi ano, nag exercise ako .oo tama" pinaypayan ko ang sarili ko dahil feeling ko biglang uminit. Mukhang naniwala naman siya
"Nag-exercise ka din Gino?" tanong ni Sky habang nakatingin sa likod ko "Parehas kayong namumula ni Kiara eh"
Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil nagtungo na ako sa CR. I washed my face para pampagising. Ughh I really need coffee
Mental note: Exercising at night is not a good idea 🙅♀
VOTE * COMMENT * SHARE 💛
BINABASA MO ANG
The CEO's Achilles Heel
FanfictionGino - one of the youngest CEO and most sought bachelor in the Philippines. He has the good looks, a masculine body that could make you drool, brain that thinks twice as a normal person, money (lots of 'em) and of course a soft heart coated with ste...