32. True Colors (2)

381 12 1
                                    

KIARA

"Ahhhhhh" isang malakas at matinis na sigaw ang gumising sa akin. Pabalikwas akong bumangon at patakbong tumungo sa pinanggalingan nito

"Bakit Ate? Anong nangyari?" nag aalalang tanong ko kay ate Hasna na hindi maipinta ang mukha.

"What happened?" muling tanong ni Sky na mukhang kagaya ko ay kagigising din

"Yung mga blocks natin! Nabawasan!" gigil niyang sumbong

"Ano?" napabaling ang tingin namin ni Sky sa mga blocks na nasa baba ng tore

Totoo nga, halos nakalahati na lang ang natitirang blocks pero ang tore namin ganun pa din naman kataas.

"Anong ibig sabihin nito?"

Ako man ay hindi ko din alam ang sagot. Luminga ako at mukhang kami lang naman ang nanakawan, dalawang grupo ang nasa labas ngayon.

Maya maya pa ay dumating na din ang grupo nila Gino at gaya namin ay mukhang nawalan din sila ng blocks based sa mga reaksiyon nila.

"Parusa ba to ni Kuya?May sinabi ba siyang ganito?"

"Sa tingin ko hindi" ayokong pabulaanan ang nasa isip ko pero yun lang pinakamalinaw na ekplanasyon sa mga kaganapan. Sana lang mali ako

"What do you mean?" sabay nilang tanong sa akin

"I think someone stole our blocks" mahina kong sabi, hindi pa din kasi nagsisink in sa isip ko na kaya nilang gawin yun

"Ano??" malakas na tanong ni ate Hasna,  dahilan para mapatingin ang iba pang mga housemates sa amin.

"Nanakawan tayo?" muli ay histerical nitong sabi.

Lumingon ako sa mga nasa pool, nakatingin sa amin ang grupo nina Gino samantalang sa grupo nina Argel ay si franki lang ang nakatingin. Parehas na busy gumagawa ng tore sina Wealand at Argel na tila ba may iniiwasan.

Biglang nanikip ang dibdib ko. Oo, nawalan kami ng blocks pero mas higit na masakit na nakaya nilang gawin yun sa amin. Akala ko magkakaibigan kami - I even treated them as family.

I feel so betrayed!

Patakbo akong tumungo sa loob ng bahay at dumiretso sa CR. Ibinuhos ko lahat ng naipong sama ng loob, panghihinayang at mga realizations ko.

Halos ilang minuto din akong namalagi sa CR, buti nalang at mukhang naintidihan naman ako ng mga kagrupo ko at hinayaan nila ako.

I let out a sigh bago nagdecide na ayusin na ang mukha ko. Napatingin ako sa salamin at kitang kita ang pamumula ng mga mata ko kaya naghilamos muna ako ng makailang ulit.

Paglabas ko ng CR, isang pigura ng bumungad sa akin. Nakasandal ito sa kitchen sink paharap sa CR at nakahalukipkip ang mga kamay, nakatungo ito pero agad nagtaas ng tingin nang mapansing palabas na ako.

Pagkakita niya sa akin ay agad din siyang umalis. May kailangan ba siya?

"Gino"  I called him, huminto naman ito pero hindi lumingon. Naalala ko na bawal pala kami mag-usap usap. Besides wala din lang naman pala akong sasabihin.

Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy ito sa paglalakad.

Bigla akong nauhaw mula sa pag-iiyak kaya inabot ko ang baso na nasa sink kung saan nakasandal si Gino kanina.

Pag-angat ko ng baso isang note ang nakita ko sa baba nito

'We are in a competition'

Yun lang ang nakasulat. Mukha itong sulat ng lalaki. Hindi naman ako ganun kaboba para hindi magets kung kanino galing yun.

Tiningnan kong muli si Gino. Nasa labas na ito pero nakatingin siya sa akin habang hawak ang pinto.

Mukhang hinihintay niyang makita ko ang sulat.

Sa hindi malamang dahilan, nginitian ko siya pero wala akong nakuhang kahit anomang reaksiyon. Nanatili itong poker face saka tumalikod na din.

Muli kong binasa ang nakasulat. Ano bang ibig sabihin nito?

Kahit nung nasa pool na ulit ako hindi pa din mawala wala sa isip ko ang sinulat niya.

"Let's win this no matter what!" biglang sigaw ni Gino sa mga kagrupo niya.

Ang competitive niya talaga kahit kailan, well can't blame him kung kami man ang or sina Argel ang mananalo nominated pa din silang tatlo thus they must win no matter what.

Then it hit me! Hindi kaya ang ibig niyang sabihin is normal lang na may mangyaring nakawan kasi nasa competition naman kami?

"Wala nama sa rules ni Kuya ang pagnanakaw, I guess it is allowed" sabi ni Sky.

I looked at him and tried to digest what he said and what I think Gino meant in his note.

So I shouldnt be resenting team Argel? Kasi they just want to win, and aminado silang kunti lang blocks nila so they chose the hardest way.

Mula sa galit ay napalitan ng kalungkutan ang naramdaman ko. We all want to win, and we will do what it takes just to win and be saved from elimination.

HABANG nagpapahinga, muling nag open si Ate Hasna

"So someone stole our blocks? Di okay lang na magnakaw din tayo?"

"Ate--" gusto ko sanang sabihin na mali ito pero agad nagsalita si Sky

"Well wala naman sa rules ni Kuya na bawal magnakaw, kanya kanyang diskarte na lang siguro para dumamin ang naipong blocks"

"You have a point there, at saka kung magbabase lang tayo sa mga naacquire nating block from the start, siguradong panalo na ang grupo nina Gino. I guess it's a matter of technique by now" paliwanag ni Ate Hasna

I chose to stay quiet nalang. Para ano pa kung makikipag argumento ako sa kanila? They already made their decision, 2 versus 1 na ang laban.

Mula sa peripheral view ko ay nakita ko sina Wealand at Argel na palapit sa amin - sa tore namin to be specific.

Naging alerto naman si Sky at akmang poprotektahan ang natitirang mga bloke namin pero agad ko siyang pinigilan.

Tahimik na ibinaba ng dalawa sa ilalim ng tore namin ang mga blocks.

"Kuya gusto po naming humingi ng Sorry sa nagawa po naming pagnanakaw" sigaw ni Argel,ngunit nakatingin sa kabilang side ng pool

"Hindi na po mauulit kuya, sana po mapatawad niyo kami" segunda ni Wealand. Saka sila umalis

Somehow I felt proud for them, they had the guts to correct what they did wrong.

Tumingin ako sa dalawang kagrupo ngunit nanatiling blanko ang kanilang mga mukha.

Sumapit ang gabi at pagkatapos ng hapunan, nauna na akong tumungo sa boys'bedroom. Pagod na pagod ang pakiramdam ko, siguro dahil na din sa mga luhang nailabas ko kanina.

KINABUKASAN medyo naging magaan na ang pakiramdam ko, siguro dahil na din sa ginawa nina Argel at Wealand kahapon.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko ang grupo nina Gino sa kitchen na nagtatawanan.

Parang kailan lang lahat kami nagtatawanan, ngayon may kanya kanya na kaming mga grupo.

Nagtama ang mga mata namin ni Gino, automatic na nginitian ko siya pero imbes na masuklian ng ngiti ay tila nagbabaga ang mga mata niyang tumititig sa akin.

Galit siya?

Well,given naman na yun simula nung ninominate ko siya. Pero this time iba kasi ang awra ng mata niya. Mukha siyang mangangain ng tao, ibang iba sa mahiyaing Gino na nakilala ko.

Mukhang nakahalata sina Akie at Diana kaya napatingin din sila sa direksyon ko. Agad nalungkot ang mga ekspresyon nilang dalawa saka umiwas ng tingin.

Ano bang nangyayari?

Mental note: It takes a lot of courage to ask for forgiveness❤ kudos ArLand.

The CEO's Achilles HeelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon