52. Huli

228 13 6
                                    

A/N: sorry for the very very very late update

Third Person's POV

"Saan nga tayo pupunta?" pang -ilang beses na tanong ni Kiara sa nagdadrive na Gino.

"Ang kulit mo naman. I told you, you'll know when we get there"

"Di mo naman ako kinikidnap ha?"

"Depende"

"Hoy anong depende??"

"Depende kung papalag ka"

"Ha?"

"I mean, sumama ka naman so it's not considered as kidnap right?"

"Ha?" kunot noo pa ding tanong ni Kiara

"Ha? Ha? Ha? Halikan kaya kita?"

"If you can lol" matapang na sagot nito kahit pa hindi na maitago ang pamumula ng mga pisngi nya

"Of course I can" matapang din na sagot ni Gino kasabay nang paglapit ng mukha sa katabi. Halos ilang dangkal na lang ang pagitan ng dalawa.

"H-hoy. Y-yung daan m-mababangga tayo" nauutal na sabi ni Kiara habang nakikipagtitigan kay Gino

"But I won't. Not now" sabay layo kay Kiara.

Nun lang napansin ni Kiara na nakatigil pala sila at kitang kita ang pulang sign sa taas.

KIARA

Pasimple kong minasahe ang leeg ko, feeling ko magkakastiff neck yata ako. Kanina pa ako nakatingin sa labas ng bintana, after nung halik kenemers kanina hindi na ako nagtangkang kulitin si Gino or kahit kausapin man lang siya. Bahala na kung mapanis laway ko.

"We're here!" masiglang sabi ng katabi ko dun ko lang napansin na nasa amusement park kami.

Okay? So predicted na hindi predicted. I mean, sa mga movies and books dinadala ng lalaki yung girl sa amusement park and they will have fun, but at the same time hindi ko din inasahan na dito niya ako dadalhin, si Gino? Isang CEO, mapapadpad sa ganitong lugar? Napakaimposible! Kung sa library niya siguro ako dinala baka mas kapani-paniwala pa

"Wala kang balak bumaba?" tanong ni Gino na nakalabas na pala, nakabukas ang pintuan at mukhang hinihintay nga niya akong makababa.

Inilahad niya ang kamay pero syempre hindi ko tinanggap. Pabebe muna.

"Bakit tayo nandito?" habang sinusundan ko siya sa paglalakad

"Magssurf yata tayo" seryoso nitong sagot. Alam mo yung halatado namang sarcastic yung sinabi niya pero the way he delivered it parang mapapaniwala ka na lang. Hahaha hays the power of poker face!

"Mas nakakatawa pa yang mukha mo kaysa sa punchline na binitawan mo"

He suddenly stopped walking at napahawak sa muha nito.

"What's wrong with my face?"

"Luh praning. Joke yun!"

Tinitigan niya ako na tila tinatantya kung maniniwala ba sa sinabi ko o hindi.

"Hahaha tara na nga. We're supposed to have fun okay?"

Luckily, muling nagliwanag ang mukha nito. Grabe iba talaga pag CEO! Whew!

"Wait. I forgot something" sabi nito saka bumalik sa kotse.

I consciously looked around dahil feeling ko pinagtitinginan ako, and yes! Tama nga. May mga Ate mong girls na nagbubulungan sa malapit na ewan kung bulong pa bang matatawag yun dahil rinig ko pa rin

The CEO's Achilles HeelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon